Chapter 21

1.4K 53 1
                                    

Mia's POV

Nasa bahay ako ngayon. Napagdesisyonan ko kasing bisitahin si tita eh. Tsaka Sabado naman. Baka na-homesick siya.

"So kamusta dun sa dorm?" Tanong ni tita sa akin sabay nilapag niya ang plato niyang hawak na may pagkain. Sa lahat ng tanong, yun pa talaga ang tinanong niya. Di ba dapat 'Kamusta ka?' Psh.

"Okay lang naman. Ikaw?" Sabi ko naman. Sarap sabihan ng "Musta tong bahay natin" eh haha!

"Okay lang din! Oh! Anyway, wag kang lalabas ng dorm mo sa gabi ah! May nababalitaan kasi akong may mga na-kidnap daw eh." Sabi ni tita. Tss! Sino naman yang nangidnap sa kanila? Uupakan ko talaga yun!

"Okay po." Tanging sinabi ko. Ki-kidnapin kaya ako? Di naman ako bata ah!

Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong pumunta sa dorm. Pagod kaya ako. Tss! Bumyahe ako galing sa bahay damin papunta dito. Tapos habang nasa byahe ako, langhap na langhap ko ang hangin. POLLUTION!

"Mia! Punta tayo dun sa bagong restaurant!" Pangungulit sa akin ni Clarisse. Tss! Busog pa ako huhu.

Time check... 6:30

Naalala ko tuloy yung sinabi ni tita. Pero ang sarap kumain eh. Tsaka nacu-curious ako dun sa bagong bukas na restaurant.

"Dipende." Tanging sinabi ko. Haha! Sarap asarin si Clarisse eh.

"Ge na!"

"Wala tayong kasama ano ka ba!"

"Sinabihan ko naman sila Daryll at Dan eh!"

"Okay!"

Tss! Napapayag niya ako. Okay lang naman din eh kasi may kasama naman pala kami. Mas mabuti ng may kasama kami.

---
*Restaurant*

"Kyahhhh! For sure masarap ang pagkain dito!" Sabi ko pagkapasok pa lang. Wahhh! First day pa lang madami ng tao lintik! Saan kami kakain ngayon?

"Ahh mam, sir. O-order po ba kayo?" Tanong nung isang staff nila. Psh. Malamang! O-order kami! Nandito naman kami para kumain ah.

"Yes." Sagot naman ni Dan. Palagi nalang siya ang sumasagot kasi sa aming apat. Siya lang mature na mature talaga eh. Para kasi kaming mga isip bata haha!

"Ammnn dito nalang po tayo umupo." Sabi nung staff and she guide us. Tss. Saan naman kaya kami pupun--

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Chris. Dapak? Dito kami uupo? Bakit dalawa lang sila?

"Sorry po mam, sir. Wala na po talagang available na table eh. Since dalawa lang naman sila. At may apat pang available na upuan. Dito nalang po kayo kakain." Wow ha! Nasabi pa niya yun. Wala na ba talaga silang maibubugang table at mga upuan?

Di na kami nakapagsalita pa at umupo nalang kami. Napabugtong hininga nalang ako eh. Tumayo kaagad silang tatlo... Teka. Ba't nila ako iniwan?

"Bantayin mo ang table natin." Sabi ni Clarisse. >_< Awkward to for sure.

Nagulat ako nung mamukhaan ko ang lalaking kasama ni Chris.

Siya... Siya yung... Palaging...

"Meet Michael." Sabi ni Chris sabay nagsmile. Siya yung magaling mag-painting eh. Sikat na sikat siya sa school namin dahil palagi siyang nananalo sa mga contest eh.

"Pa--paano kayo nagkaki--kilala?" Nauutal kong sinabi. Unbelievable eh. Ang sikat ni Michael then friends sila ni Chris?

"Ka-roommate ko siya." Sabi naman ni Chris. Kyahhh! Kung pwede ngalang magpa-authograph eh.

Falling Inlove With A BadboyWhere stories live. Discover now