Chapter 36

1.5K 30 1
                                    

Mia's POV

Last day namin to sa school! December kasi!!!! Kyahhhh! Malapit na ang pasko!!! Tsaka magbabakasyon raw kami for 3 weeks. Yun ngalang, first time kong mag-christmas na wala si Tita. Miss ko na siya ToT

"Class dismiss." Pagkasabi ng prof. namin ng salitang iyon ay lumabas na akaagad ang mga kaklase ko. Ewan ko lang kung bakit hindi pa to lumalabas sila Dan, Daryll, Chris, Michael at Clarisse. May problema kaya? Namannn! Malapit ng pasko! Then may problema?

"May problema ba?" Tanong ko kaagad sa kanila. Curiousity Strikes! Hahaha!

"Wala naman! Ano? Labas na tayo?" Sabi kaagad ni Dan.

At yun nga... Lumabas na kami ng classroom namin. Saan naman kaya kami pupunta? Ahh siguro, papasok na kami sa dorm namin. Malapit na ring maggabi eh. Gaga ka talaga Mia! Obvious naman eh! Haha!

"So saan tayo magbabakasyon?" Tanong ni Daryll. Seryoso? TAYO ba yung sinabi niya?

"Kayo? Saan niyo gusto?" Tanong naman ni Michael. Hindi ba sila magspespent ng pasko nila with their families?

"Eh kung dun tayo sa private island namin!" Yaya ni Chris. Really? Wahhh! May private island sila? Kyahhh!

Sumangayon naman silang lahat at tulad rin ng inaasahan niyo ay sumangayon din ako hihi. No choice eh tsaka wala rin naman akong kasama sa pasko. Tsaka masaya rin yun eh! Hihi! ^_^

Di nagtagal ay pumasok na kami sa mga dorm namin.

---

Ang tetee? May private island pala sila? Psh. Hindi lang pala sila nagmamay-ari ng isang school. Nagmamay-ari din sila ng isang island na para sa kanila lang. Fudge! Bakit ngayon ko lang nalaman? Naman oh! Tss.

"Ang swerte mo!" Sabi sa akin ni Clarisse. Psh. Kahit wala pa silang island noh maswerte pa rin ako. Tss.

"Anyway, kailan tayo magstay dun?" Tanong kaagad sa akin ni Clarisse. Oo nga noh! Baka maaabutan nalang ng pasko di pa kami nakapagbakasyon ^O^ Pwede namang dito ako magpasko eh haha!

"Ewan! Di ko alam!" Sabi ko naman at humiga nalang sa kama. Hayyy... Mas mabuting matulog nalang. Tengene nemen kasi eh! Wala talaga akong magawa potek!

---

Napagdesisyonan namin na ngayon kami magbabakasyon. Kahapon ay nasabi ni Chris diba na magbabakasyon kami sa private island nila! Then kagabi napagisipan naming magbakasyon na. Agad-agad eh noh? One week lang kami dun kasi next week pasko na.

Nasa van na kami ni Chris ngayon. Malayo-layo daw pero okay lang yun kasi for sure mageenjoy rin naman kami eh! Woooh! Haha!

"Nasa labas na daw si manong." Sabi sa amin ni Chris. Kaya lumabas na kami. Kyahhhh! Excited na talaga si ako!!!

Excited na talaga kami nyahaha! Potek! Bakit ba kasi ang layo pa nun? Gusto ko ng makapunta dun eh! Psh.

Nasa van na kami ngayon. Sila, naguusap lang. Ewan kong anong pinaguusapan nila. Kasi ako? Inaantok talaga ako! Hayyysss malayo pa ba talaga? Nakakairita na eh! Alam kong aabot din to sa time na sasakit ang pwet ko eh. Ilan nga ba yung oras ng byahe? Ahh oo! 5 hours! Lintik yang limang oras na yan! Pagkatapos ay sasakay pa yata kami ng yacht eh! Psh. Pag ako nairita... Ipapapatay ko talaga yang limang oras na yan! Ayy gaga haha!

Pinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Chris. Magkatabi lang kasi kami eh. Tapos sila Dan nasa frontseat. Si Daryll, Michael at Clarisse magkatabi. At kami naman ni Chris nasa pinakahuli. Magkatabi lang din kami, sana di na talaga to magbago.

---

Nagising nalang ako basta basta. Fudge! Asan na yung mga tao dito? Dont tell me...  Urrgghh! Iniwan naba nila ako? Nakasakay na kaya sila ng yacht? Tengene nemen eh! T_T di ako marunong umuwi T_T

"Oh! Halika na! On our way na tayo dun sa island!" Sabi ni... Chris pagkabukas niya ng pinto sa van. Fudge! Ginulat niya naman ako! Hindi ba pwedeng hinay-hinay lang din? Saan kaya to pinaglihi? Nanggugulat eh!

"Ahh si--sige!" Sabi ko naman at bumangon na. Alangan namang ipatuloy ko pa ang pagtulog ko noh! Shocks! Gusto ko pa makita yung paraiso esti island noh! Hihi.

Bumaba kaagad ako at... Tss! Mabuti naman at dinala na nila ang mga gamit ko -.-

Sumakay na kaagad kami at yun nga... Inabot kami ng isang milyong oras haha joke lang! Inabot lang kami ng mga 1 hour and 30 minutes siguro? Masaya ring panuorin yung lumulubog na araw! Oo! Palubog na ang araw.

Nandito na kami ngayon sa sinasabing island ni Chris. Wtf? Di talaga ako makapaniwala na sa kanila tong island nato! Seryoso kaya siya? Baka nangloloko lang to eh! Hahaha!

"Nandito pa ba si Manong Eduard at Kim?" Tanong ni Dan. Di na ako magugulat kong may mga alam siya tungkol kay Chris! Bestfriend niya kaya sila!

"Si Kim nalang." Hmmnnn... Sino naman kaya si Kim? Babae? Psh. Im curious! Baka kabit ni Chris -.-

Di naman natagal ay pumasok na kami. Magpapahinga raw muna kami kasi pagod talaga kami sa byahe eh kahit walang ginawa ^O^

Isa lang kami ng room ni Clarisse. Share lang kami. At ang boys naman ay nasa kabilang room. Apat lahat na room ang nandito sa bahay nilang Chris. Masyado talagang malaki ang bahay nila dito sa private island nila. I swear! 

---

"Gumising kana!" Dinig ko sa kjatabi ko. Putcha! Natutulog pa ang tao eh, gigisingin niya na? Ano siya? Psh. 

Teka? Sino yun?

Minulat ko nalang ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita ko si Chris na nakahiga rin katabi ko. Wtf?

"Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko naman. Psh -.- dapat masanay na nga ako eh noh? Ganito naman talaga siya! 

"Maligo ka na! Tayo nalang ang hindi nakakapagbreakfast!" Sabi niya sa akin. Bakit? Di ba siya naunang kumain? Or hinintay niya lang talaga ako? Charot! Ang loyal ng bby ko ^O^

Naligo nalang ako at nagbihis pagkatapos ay agad akong bumaba para kumain.

Bumagad kaagad sa akin ang lamesa na pono ng pagkain. Kung makahanda tong kumag na to parang may pista. 

"Kain na tayo!" Bungad niya sa akin. Ofcourse! Kakain na talaga ako! Pareang gutom na talaga ako eh! Hihi ^_^

Bumaba kaagad ako at agad ng pumunta sa lamesa at umupo. Kyahhh! Ang shasharap ng mga pegkeen! Uwwaaahhh!

Naguusap kami ng nag-usap hanggang sa...

"Oh Kim! Kain tayo!" Sabi niya dun sa lalaking nasa harapan lang namin. Oo! Gwapo siya tsaka matangkad. Ka-ano ano niya ba to?

Ay teka! Siya si Kim? Akala ko pa naman na babae eh -.-

"Ahh salamat.?" Di siguradong sagot ni Kim at umupo nalang.

"May dumi ka dito." Sabi ni Kim at tinuro ang kanyang baba. Agad ko namang pinunasan ito.

"Dito oh!" Sabi niya at papalapit na.

Laking gulat ko ng biglang hinarang ni Chris ang kamay ni Kim na papunta sa akin. O.o?

"Ako na." Utas niya at pinahiran ang baba ko. Anong nangyayari? 

"Ang liit ng kinakain mo! Kumain ka pa." Sabi ni Kim. Kukuha na sana siya ng kanin para sa akin ng bigla naman itong inunahan ni Chris.

"Ako na." Sabi niya at linagyan ng kanin ang plato ko. Nakakadalawa na siya ah -_- Anong problema niya?

"You should stop staring." Dagdag niya. Luhh/? Oo nga! Titig na titig sa akin si Kim.

"Pasensya na po." Sabi ni Kim. Po? Bakit nag-oopo o po si Kim sa kanya?

"Anyway, nalinis mo ba ang pool? Gagamitin kasi namin mamaya eh." Sabi ni Chris na ikinagulat ko. So it means na... Wtf? Care taker siya ng bahay na to? Hindi halata!!!!

Falling Inlove With A BadboyWhere stories live. Discover now