Sa bawat pagtipa ko'y
siyang ganit mo
Sa bawat pag-ahon sa
iyo'y hirapan ako.
Sa bawat dausdos
ay siya namang
panginginig ko; gigil
sa paghawak sa
hiwit na manibela mo.
Labis ang takot na
baka mapabangga
sa kanto,
Ngunit
Nagpilit sa
paghahangad
at katigasan ng ulo
Na makasama ka't
malibot ang mundo
Kaya heto,
Heto ako ngayon,
Galusan, habang ikaw
kalas na ang kadena.
Parehas na hindi
mapakinabangan.
Ikaw nasa sulok,
Ako'y nakatunganga
Kapwa tayo nakatengga.
![](https://img.wattpad.com/cover/109945009-288-k348838.jpg)
BINABASA MO ANG
Kawalan (Mga Tula)
PoetryIsang koleksyon ng mga tula mula sa kabilang mundo. Ang tula ay buhay. Ang tula ay ang bakas ng kahapon. Ito ay ang nakaraang hindi mo na mababalikan ngunit maaaring gunitain ang pait at kulay nito gamit ang tinta ng damdamin. -Alienatedpsychoxxx Ka...