Dalawin mo

29 2 2
                                    

Ang buwang
Tila lampara
Ang silaw
Ang siyang
Gumabay
Sa aking daan
Patungo
Sa tahanang
Kalahating bato't
Kalahating kahoy
Pagpasok ko'y
Sinalubong ako
Ng umaringit na
Pinto't agad na
Umupo sa sahig
At nagmuni-muni
Nagkwentuhan
Ang mga kuliglig
Walang tigil
Ang tsismisan
Sa buong magdamag
Na tila sinakop
Na nila ang
Gabi sa kanilang
Nakabibinging
Ingay
Sumabay pa
Ang mga butiking
Naghaharutan
Sa kisame
Habang umaandar
Ang orasan
Hindi pa rin
Dinadalaw ng
Antok
Dahil sa tindi
Ng epekto
Ng kapeng
Nakabubuhay
Ng diwa
Pinilit ipikit ang
Matang pagod
Sa buong maghapon
Ngunit hindi
Pinayagan
Makapahinga.
Nananatiling
Dilat hanggang
Abutin ang
Pagsilang ng
Araw
Nagngilid ang
Itim sa ibaba
Ng mata.

Kawalan (Mga Tula)Where stories live. Discover now