Mahaba
Pa ang ating
Lalakbayin
Wala pa sa
Kalahati,
Aking mahal.Huwag kang
Mainip
Kapit lang
Hanggang
Dulo
Nakangangawit man,
Sulit naman
Kapag nakarating na
Sa patutunguhan.Hindi natin
Masusukat
Ang layo
Ng ating
Destinasyon
Ngunit
Wala sanang
Agad papara
Hihinto't
Bababa
Laging alalahanin
Ang dahilan
Kung bakit tayo
Nagsimula.
![](https://img.wattpad.com/cover/109945009-288-k348838.jpg)
YOU ARE READING
Kawalan (Mga Tula)
PoetryIsang koleksyon ng mga tula mula sa kabilang mundo. Ang tula ay buhay. Ang tula ay ang bakas ng kahapon. Ito ay ang nakaraang hindi mo na mababalikan ngunit maaaring gunitain ang pait at kulay nito gamit ang tinta ng damdamin. -Alienatedpsychoxxx Ka...