Kailan ba kita madadama, oh niyebe?
Hiling ko sana'y masilayan ka rin ng aking sinisinta.
O niyebe, kahit pa anong ngatog ng tuhod namin sa iyo,
Kahit anong kapal ng aming pangginaw,
Kahit dumugo ang ilong dahil sa iyo'y
Ikaw at ikaw pa rin ang nais madama ng aming balat
Kahit magyelo ang katawa'y hindi mo mapalalamig
Ang puso naming pawang naglalagablab
Dinaig pa ang apoy sa tsimeneya
Ang nilalabas na usok sa aming hininga'y
Bakas lamang na kami'y buhay pa
At nanatiling matatag madatnan ka lamang
Oh niyebe ikaw ang sagot sa matagal na paghihintay
Ikaw ang tanging simbolo
Ng aming pag-ibig na dalisay.
![](https://img.wattpad.com/cover/109945009-288-k348838.jpg)
BINABASA MO ANG
Kawalan (Mga Tula)
PoetryIsang koleksyon ng mga tula mula sa kabilang mundo. Ang tula ay buhay. Ang tula ay ang bakas ng kahapon. Ito ay ang nakaraang hindi mo na mababalikan ngunit maaaring gunitain ang pait at kulay nito gamit ang tinta ng damdamin. -Alienatedpsychoxxx Ka...