Outbreak

840 89 7
                                    

Astrid's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Astrid's POV

Magkahalong pagtataka at kaba ang mababakas sa mukha ni Minna habang hila-hila ko siya pero pilit niya akong iniintindi. Isa lang ang iniisip ko sa mga oras na ito at iyon ay ang makalayo sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.

Kung kanina naghihinala lang ako ngayon alam ko sa sarili kong tama ang hinala ko. Hindi ito pangkaraniwang ubo. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano kabilis nahawa ang dalawa mula sa babae. Ilang minuto lang ang lumipas bago sila nagsimulang umubo ng dugo katulad niya.

Gulong-gulo na ako at tuliro. Hindi ko na alam pa ang iisipin at gagawin sa dami ng isipang naglalaro sa utak ko ngayon.

"Okay ka lang ba Ash? Mukhang kanina ka pa balisa ah?"nag-aalalang tanong sa akin ni Minna na nagpahinto sa akin sa paghihila sa kanya.

"I'm fine. It's just that I don't feel going out today,"sabi ko na lang sa kanya bago pumara ng D301 na napadaan.

Hindi na umangal pa si Minna at nang makasakay kami sa loob ay ako na ang nagdikit ng aking I.D sa detector upang malaman ng driver ang daan at makapagbayad na rin.

"Ano ba 'yan sayang 'yong gala natin. Nagugutom pa man din na ako,"nakabusangot na sabi ni Minna na ngayo'y tinanggal na ang kaniyang mask na siyang aking ginawa rin.

It's safe here. Fullly ventilated ang D301 at nahihiwalay ang kinaroroonan ng driver mula sa amin dahil sa malaking glass na nakaharang sa pagitan.

"Don't worry. I'll cook for you na lang," I said assuring her.

"Ayon oh! Bait talaga ng friendship 'ko!"nakangiting sabi niya habang ni yakap-yakap pa ang braso ko.

Mukhang hindi niya napansin ang nangyari kanina dahil sa sobrang pagkaabala niya sa paglalaro. Binaling ko na lang ang aking atensyon sa labas matapos matanggal ang pagkakakapit ni Minna sa braso ko.

Napahinga 'ko nang maluwag nang makitang ayos lang ang lugar. No one has a flu, but I'm still wondering about what happened earlier. Tama ba ang naiisip ko ang sadyang masyado lang akong nag-ooverthink?

I don't really know what to think anymore. For now, I need to clear all the stress and negative thoughts running through my mind. Maybe I'm just overreacting, because seeing people outside happy with their love ones. Family, lovers, friends or just themselves. Don't want my theory to happen.

_____

"Ansarap mo talaga magluto sis. Dalas-dalasan mo akong lutuan nga,"nakangiting sabi niya habang naglalakad kami palabas ng condo unit na tinutuluyan ko.

"Mukhang ikaw dapat ang nilulutuan ako,"ang sagot ko sa kanya. She's a culinary student kasi.

"Kahit gusto ko man magstay rito para matikman ang sunod na luto mo ay hindi puwede. Nakapag-promise na kasi ako kay Dash na magmamall kami today eh. You know brother time. So, bye bye na,"kumakaway-kaway na paalam niya sa akin.

Unknown Disease Where stories live. Discover now