Havoc City

853 87 8
                                    

Astrid's POV

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Astrid's POV

"Uy Ash! Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulaley riyan,"nabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagtawag sa akin ni Minna.

"I'm fine,"mabilis na sagot ko sa kanya.

Buong gabi akong wala sa sarili habang iniisip kung anong puwedeng mangyari at kasalukuyang nangyayari. I even tried contacting my parents, but no one is answering my calls. 

"May problema ka ba? Kinakabahan na ako sa 'yo Ash. Kanina ka pa tulala at hindi nagsasalita,"puno ng pag-aalalang tanong sa'kin ni Minna.

"It's just something is bothering me right now but, don't worry I'll settle this,"I said and plastered a little smile to assure her.

"Just tell me if you need someone to talk to. I'm always here for you,"sabi niya na nagpagaan ng loob 'ko.

"Noted, Mom,"I said with a chuckle.

"Hoy. Gaga ka talaga,"angal niya na tinawanan ko na lang.

"Tara na nga,"aya ko sa kanya para maiba ang topic.

'Di naman siya umangal at nagsimula na nga kaming maglakad pababa para sumakay nang D301 papuntang school. Gaya ng sabi niya, rito nga siya sa condo ko nag-almusal. Maaga pa lang ay nandito na siya sa condo ko kanina kaya wala na akong nagawa kung 'di ang paglutuan siya.

"Oo nga pala, didiretso ako mamaya sa ospital after class,"pagpapaalam ko sa kanya at siya na ang nagtapat ng ID niya sa scanner.

"Uy sama! Miss ko na si Tita at Tito!"she joyfully said.

"Hindi puwede,"mabilis na sagot ko.

"Ang duga naman Ash,"pag-angal niya pero hindi na magbabago ang desisyon ko.

"Next time ka na lang sumama,"sagot ko. Nakita ko pa na aangal pa sana siya nang taasan ko siya ng kilay na nagpatahimik sa kanya. Nakabusangot na tumingin na lang siya sa labas at iniripan pa ako.

Napailing na lang ako sa inasta niya. She can't come. Hindi ako sigurado kung anong maabutan ko sa pagpunta ko ro'n. Kailangan ko munang kumpirmahin kung tama ba ang hinila ko at masagot ang mga katanungan ko. Hindi sapat ang mga narinig at nakita ko kahapon. Kaya gusto kong sa iba manggaling.

It is so peaceful outside. Everything feels as near perfect in life at this moment as we could wish for. Like everything is fine while on the other hand, many people are suffering right now. Hindi pa ako gano'n kasigurado kung tama ba ang iniisip ko sa nangyayari ngayon. Pero isa sa  pinagtataka ko, bakit wala man lang ginagawang aksyon ang gobyerno? I haven't heard anything from them simula pa kahapon tungkol sa nangyayari sa Maynila.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase namin sa buong araw. Agad ko nang inayos ang gamit ko para makaalis na. It's 3:30 in the afternoon. I know na busy sila 'pag mga ganitong oras at mas lalo na ngayon dahil sa mga nangyayari, but I know and I wish they're doing fine there.

Unknown Disease Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ