Chapter 11

1.9K 82 0
                                    

Crystal POV

Monday na ulit at may pasok na naman wala akong gana pumasok pero pinilit ko dahil may sasabihin daw ang professor sa amin

"Liane papasok ka ba?" tanong ni Charlotte sa kaniya pero parang nanghihina pa rin si Liane sa nangyari

"Look Liane past is past wala na tayong magagawa she's dead" sabi ko naman sa kanya oo naawa ako sa kanya ano masaya na kayo?

"Yeah you're right kasi pinatay siya ni Zero!" sigaw nito sa akin

"Sa tingin mo meron kang pruweba?" sagot ko sa kanya dahil baka kasi pinagbibintangan niya lang ang isang tao

Bigla niya naman binigay sa akin ang isang papel at nakasulat na Hernandez.

"Siya lang ang may ganoong epilyido dito sa paaralang ito" sabi niya sa akin at malungkot na may halong galit ang muka

Tumango na lang ako at hiniram sa kaniya ang papel at pumayag naman siya. I think na hindi siya ang gumawa nito dahil ganto- ganto rin ang binigay sa akin nung lalaki pero bura ang sulat na Mizladean Corp

"Let's go na malalate tayo eh" sabi ni Charlotte na naiinis na

Kahit na ayaw ni Liane pumasok. Pumasok na siya

-

Nagmamadali na ako dahil late na ako pati nga sina Liane late na rin

Sa pagmamabilis ko nadulas ako at ang sakit tuloy ng pwet ko

Bigla na lang may isang kamay na parang 'may I help you' ganun

Napatingin ako kung sino ito at hindi ko akalain na mabait pala itong Zero na ito

Hindi ko naman ito tinanggap at tumayo ako magisa

"Tatanga- tanga ba naman" sabi niya at naglakad palayo

Nagmabilis na ako sa paglalakad naabutan ko pa nga si Zero Kaya sabay na kami makarating sa first subject

"Ikaw na kumatok" walang gana niyang sabi

"Arte nito ikaw na pabebe pa" sabi ko at Hindi kinatok ang pinto

"Diba sabi nila ladies first so ikaw ang kakatok" nainis ako sa kanya ayoko ngang kumatok hagisan pa ako ng kutsilyo nung professor masyado kasing scary ang mukha pati nangyari na talaga yun dito

"Sabing ikaw na eh!" sabi ko naman

"Arte mo-" bigla na lang bumukas ang pinto at mukhang galit pa ang nagbukas

"Kayong dalawa ang aarte niyo kakatok na lang kayo" galit niyang sabi pero parang hindi eh

Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang pagtawa nakakatawa kasi yung mukha niya kapag galit

"Pasok!" sigaw sa amin at diretso kaming umupo sa upuan namin

Nakita ko naman si Lucas na natutulog at tulo pa laway kadiri itong lalaking to

Nagpatuloy na ang teacher sa pagtuturo at tama kayo naboringan ako

-
"Okay class eto nga pala ang announcement so there will be a masquerade ball. Nakakainis mang sabihin pero may ball tayo magdala kayo ng mask syempre Kaya nga masquerade and the theme is Black so yeah Class dismissed"

Tumayo agad ako at inayos ang gamit. Hanggang ngayon tulog parin itong si Lucas

Nilapitan ko ito at binatukan

"Aww ano ba!-" sabi nito at aakma ng susuntok pero sinamaan ko siya ng tingin

Si Zero naman Hindi pa naalis at pinapanood pa kami he also chuckled sa ginawa ni Lucas

Le Viour AcademyWhere stories live. Discover now