Chapter 20

1.3K 56 0
                                    

CRYSTAL POV

Friday na at tinatamad akong pumasok. Sina Charlotte naman ay nagaayos na dahil papasok daw

"Crystal hindi kaba talaga papasok?" Tumango ako sa sinabi niya

"Yeah hindi ako papasok sa first subject" sabi ko sa kaniya

Tinignan ako ni Brooklyn at nagcross arm at tinaasan pa ako ng kilay

"Ah talaga tamad ka pala dapat Hindi ka nalang pumasok talaga Hindi sa first subject" sabi nito. Inaano ko ba ito nagmamagaling kasi eh

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay

"Ano ba sa pake mo? Kung naiingit ka gumaya ka" sabi ko dito si Charlotte naman ay natatakot na sa akin Kaya pinipilit niya si Brooklyn na umalis na sila

"Tandaan mo to Hindi.ako.naiingit. sayo" sabi niya at bigla niyang diniian ang noo ko

"Safe ka pa sa ngayon Brooklyn baka sa susunod Hindi na" sabi ko at tinarayan niya ako at umalis

LUCAS POV

Maaga ulit kaming pumasok ni Zero dahil tinatamad siya sa dorm niya Wala naman daw gagawin

"Pano na yung plano mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang first subject

"Just fight" walang emosyon niyang sabi

'Just fight' 'Just fight' patong lalaking to. Dati naman nagiisip kami kung paano mananalo pero ngayon hindi na

Bigla namang lumapit sa amin si Ajex at hingal na hingal

"Another person died again" tumango naman kami at hindi nagulat sa sinabi niya kasi sanay na kami sa patayan na yan

Ang daming problema ang iniisip namin hindi na namin alam kung ano ang uunahin. Hindi namin Alam kung bakit namamatay ang mga tao dito at hindi rin namin alam kung sino ang pumapatay

"Nasaan?" Tanong ko at tinuro sa amin kung saan

Lahat ng mga nakikita namin ditong namamatay ay mga payat na. I'm always curious about that Wala namang saksak or something in their body at hindi duguan.

"Kailangan ko pa bang sabihin na ialis na yan dito?!" Galit na sabi ni Zero. Bigla naman nila itong kinuha at inalis dito. Takot talaga sila kay Zero since birth hahaha just kidding

Dumating na kami sa room at nakaupo sa upuan ni Crystal si Brooklyn. Bakit siya nandoon??????

Pagkaupo namin doon ay bigla na lang ako kinulbit ni Brooklyn at ngumiti

"Hey!" Sabi niya

Tumango ako at ngumiti actually ayokong makipagusap ngayon dahil tamad akong magsalita

"You're Crystal's best friend diba?" Tanong niya ulit

Tumango ulit ako at kinuha ang isa kong notebook para sa subject na ito para Hindi ko na kunin mamaya

Wait I forgot nasaan na naman ba yung babaeng yun?!

"You're finding Crystal? Well she's lazy to go to school kaya aabsent siya sa first subject" wait a minute?! Naiisip niya yung nasa isip ko! How cool is that! Not really

Tawag sa akin ni Stal ay bipolar boy kasi daw papalit palit ako ng mood. Walang may pake diba? Huehue

"Bakit nasa upuan ka ni Crystal?" Tanong ko sa kanya. Oo na nagsalita ng gwapong lalaki sa buong Mundo

"Finally at nagsalita na rin. Well absent siya Kaya pede ako dito kasi pinayagan naman ako ni Crystal" sabi nito. Nagtaka ako dito kasi si Crystal ayaw niyang may umuupo sa upuan niya.

Le Viour AcademyWhere stories live. Discover now