Kabanata 2

590 31 0
                                    

Nagising ako sa ingay na narinig ko. Alam ko boses niya iyon. Dumilat ako at nakita ko na may kausap siya sa pintuan.

And shit, now lang nagsisink in sakin na nakitulog ako sa isang taong kakilala ko lang kagabi. Wtf.

"Nahuli na si Lando! Anong balak mong gawin ngayon? Kailangan mong magtago baka mahuli ka din!" boses ng isang lalaking matanda.

"Hindi ako mahuhuli, dahil hindi naman ako gumamit. Isang beses lang akong nagbenta." sagot niya.

"Hoy Noel siraulo ka ba? Damay damay na tayo dito! Wag mong sabihing ilalaglag mo kami!"

"Ilalaglag? Bakit ko gagawin iyon? Problema niyo nayan." malamig na sagot niya.

"Eh gago ka pala! Tandaan mo marami ka pang utang sakin!" bago pa sila magkaaway ay tinawag ko ang pangalan niya.

Bumangon ako at sinilip ang mga pinaggagalingan ng boses.

"N-Noel.." sabay silang napatingin sa akin. Nalipat ang tingin sakin ng lalaking kausap niya. Umangat ang kilay nito at unti unting ngumisi.

"Sino naman tong inuwi mo? Mukhang mayaman ah." dinilaan nito ang labi niya at  halos kilabutan ako sa ginawa niya.

Nakakatakot.

"Umalis kana Caloy baka hindi kita matantya." matigas na sabi ni Noel.

"Pagkatapos mo sa kanya ako naman nang makabayad ka lang man sakin." sabay halakhak nito. Tinulak lang siya ni Noel ng malakas.

"Gago." marahas niyang sinara ang pinto.

"I-Is everything alright?" kinuha niya ang nakasabit na jacket sa pader at mabilis itong sinuot.

"Mag ayos kana, aalis na tayo. Hindi ka pwedeng magtagal dito." dinampot niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko palabas.

"W-Wait. Are you okay? You looks very upset." tumitig siya sakin na parang isa akong malaking problema.

"Alam mo ba na pusher ako?" nanlaki ang mata ko at napabitaw sa kanya.

"You mean drug pusher?"

"Oo. Kaya huwag kang tiwala sobra sakin. Hindi mo pa ako lubos na kilala." hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Did you ever tried drugs?" umiwas siya ng tingin.

"Hindi. Iba ang user sa pusher." nakahinga ako ng maluwag.

"Then that's fine for me. You are a good person. I know na ginawa mo lang iyong trabaho na yon for money right?" huminga siya ng malalim at hinilot ang sintido niya.

"Miss--"

"Chloe ang pangalan ko, hindi mo naalala?" ngumuso ako at umupo sa sofa. "Ayokong umuwi sa bahay. Wala naman pumapansin sa akin doon. Can I stay here for a week?" napaawang ang bibig niya at problemadong humawak sa batok niya.

"Hindi pwede. Hahanapin ka ng parents mo." ngumuso lang ako sa sinabi niya.

"Busy ang papa ko, ganun din si mama. Mag isang anak lang ako at pag nasa bahay, hangin lang ang kausap ko." malungkot akong tumingin sa kanya. "I have credit cards and cash in my bag. Magbabayad ako."

Be With You (You Series #1) [Slow Update]Where stories live. Discover now