Kabanata 5

547 32 9
                                    

Naidlip ako ng saglit. I thought umalis siya kasi tahimik pero nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan at parang may usok akong nakikita mula sa kanya. Kinusot ko ang mata ko at lumapit. "Noel?" agad siyang humarap at bahagya akong nagulat nang makita ang hawak niya. He's smoking.

That's bad but it made him ten times hotter. What the hell Chloe? Seriously?

"Y-You smoke?" nakatingin parin ako sa sigarilyo na hawak niya.

"Palagi."

"What? Alam mo bang nakakamatay ang sigarilyo?" inis na sabi ko.

"Talaga? Edi ayos pala, hindi ko na kailangan magpakamatay." sumama ang timpla ko sa sinabi niya.

"Don't take it as a joke. Paano nalang yung pamilya mo?" muli siyang humithit ng sigarilyo at binuga ito mula sa bibig niya. I can't help but to adore him. Ayoko siyang nagsisigarilyo pero parang gusto ko nalang siyang panoorin mag ganon araw araw. Bad? Definitely.

"Wala naman akong pamilya." malamig na sabi niya at nang subukan niya ulit humithit ay lumapit ako sa kanya para kunin sana yon pero sobrang bilis niya at tinaas niya agad ito.

"Stop smoking." hindi ko na inabot ang sigarilyo niya dahil sobrang tangkad niya na kahit isang taas niya lang ay sobrang hirap ng abutin. "It's bad for your health."

He smirked. "Ano bang paki mo sa health ko?" parang natatawang tanong niya.

Yes, I shouldn't care but you make me care for you everytime! I like you that's why I care for you!

Kung pwede ko lang yan sabihin. "Jerk." padabog akong tumalikod at hindi siya pinansin.

"Eto na nga oh, tatapon na nga." narinig ko ang tunog ng plastic sign na tinapon niya nga sa basurahan.

"Whatever. Masunog sana baga mo." hindi ko siya pinansin at kinuha ang bag ko sa gilid.

"Sungit." rinig kong sabi niya. "Bilisan mo na, aalis na tayo." napatigil ako at tumingin sa kanya.

"Saan tayo pupunta?"

"Karera." nagtaka naman ako sa sinabi niya. May kinuha siyang itim na jacket sa cabinet niya at sinuot ito. Humarap siya sa salamin at inayos ang buhok niya at pinatayo ito. Napanguso ako sa ginagawa niya. Hindi dapat niya tinataas ang buhok niya mas lalo siyang magiging pansinin.

"Anong gagawin natin sa karera?" inayos ko ang bag ko at binitbit ito papalapit sa kanya.

"Ako lang pupunta sa karera iiwan kita kay Aling Nena." agad akong lumapit sa kanya.

"Why? I'll behave naman! Sabi mo kanina sasama mo ako!" tumigil siya sa pag aayos ng buhok at humarap sakin. "Sama ako.."

"Kanina iyon, naisip ko na hindi ka pwede doon. Punong puno ng siraulo ang lugar nayon." ngumuso ako at umiling. "Bawal, Chloe." matigas na sabi niya.

"Bakit hindi ako pwede doon? Nandoon ba ang girlfriend mo?" nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Wala akong girlfriend."

Shit.

"Then let me come with you! Hindi ko kilala yung Aling Nena na yun.."

"Siya yung binilihan natin ng damit noong unang punta mo dito." umiling ako.

"Kahit na! Isama moko!"

"Bawal nga--" hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at hinila ito.

"Sama ako. Ayoko maiwan doon sa Aling Nena nayun. I don't know her. Besides, what if may mga nakawan or barilan dito sa lugar niyo? It's your fault kung may mangyaring masama sakin." he sighed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be With You (You Series #1) [Slow Update]Where stories live. Discover now