Kabanata 3

523 24 0
                                    

Bago pa man sila mag away ay kumaway na ako kay Noel. "Hi!" bati ko at tumakbo papunta sa kanya. Pero hindi niya ako tinapunan ng tingin at patuloy na tinitigan ng masama ang lalaki.

"Masyado ka naman madamot Noel, gusto ko lang naman makilala yang syota mo." sabi nito sabay tayo.

Napaatras din ang iba niyang katrabaho. Pare-parehas sila ng nga uniform kaya tingin ko ay mga co-workers niya ang mga ito. "Paano ba iyan madamot ako? Ayoko siyang ipakilala sayo." humakbang papalapit ang lalaki at bago pa makahakbang si Noel ay hinila ko na siya.

"Bye po Aling Polly!" mabilis na sabi ko at hinila si Noel palayo doon.

Inis niyang winaksi ang kamay ko. "Bakit mo ako hinila?" inis niyang tanong.

"Sorry na, ayaw ko lang kasi na makipag away ka." nginitian ko siya. "Free time mo? Babalik ka pa sa trabaho mo?"

"Hindi na ako babalik doon, umalis na ako sa trabaho." my eyes widened.

"Why?"

"Basta." tipid na sagot niya. "At ikaw! Bakit mo naman tinulungan si Aling Polly doon? Di ka nalang umupo sa isang tabi, pinagpipiyestahan ka ng mga lalaki doon!" I pursed my lips at what he said.

"Its not that I'm showing my.. whatever. Naka jeans lang ako what's wrong with you? Tsaka nahihirapan si Aling Polly, I wanna help besides its fun." mariin niya akong tinitigan at umiling.

"Fun? Tss." rinig kong bulong niya at pumunta sa nakapark niyang motor.

"Hey! Bakit ba? Masama ba iyong.." napatigil ako at nahagip ang sunod sunod na puting van sa kabilang lane. "Oh my gee.." bulong ko at hinila si Noel. "We need to get out of here!" maingat na sigaw ko.

Hinila naman niya ako pabalik at kinunotan ng noo. "Ano bang problema?" takang tanong niya.

"Nandito ang mga tauhan ni dad.." tinuro ko ang mga sasakyan sa kabilang kalsada kaya agad naman niya itong nilingon.

"Let's go! Ayokong makita nila ako." he sighed and look at me.

"Umuwi kana, panigurado hinahanap kana sa inyo." lumunok ako at umiwas ng tingin. "Umuwi ka na muna.." mahinang sabi niya.

"Pinapaalis mo na ako.." bulong ko.

Bumuntong hininga siya at kinamot ang batok niya. "Akin na ang cellphone mo." nilahad niya ang kamay niya kaya kumunot ang noo ko. "Bilis."

Lito kong kinuha ang phone ko sa bulsa at inabot sa kanya. May pinindot siya doon na kung ano at binalik sakin. "I-text mo ako para mabalik ko yung bag mo sayo. Sinave ko number ko dyan." and that's when I realized that I left my bag on his house.

"But I dont want to go home yet! Kauuwi lang ng uncle ko at sa bahay siya mag stay. H-he's a p-pervert." problemado itong tumingin sakin.

I knew it. He thinks na gumagawa lang ako ng dahilan, but it's true! "I'm saying the truth!"

Ayoko pang umuwi dahil uuwi ang manyakis kong tito. Knowing na wala akong kasama sa bahay dahil pupunta ng ibang bansa sila mommy at daddy. "Nevermind. Thank you  sa lahat. And ipapakuha ko nalang yung bag ko sa bahay mo." sabi ko at naunang umalis.

"Chloe--" hindi ko na siya pinakinggan at tumawid.

"Manong Gardo!" sigaw ko sa driver namin. Napatingin ang ibang drivers sa akin at mabilis akong inalalayan papasok ng van.

"Mam Chloe! Saan po ba kayo natulog mam? Hindi po kayo umuwi kagabi.." hindi ko siya sinagot at pumasok ng loob ng van.

Pagkasara ng pinto ay tiningnan ko sio Noel na nasa kabilang kalsada na ngayon ay nakatingin sa sasakyan ko. Tinted ang van kaya I know hindi niya ako nakikita.

Be With You (You Series #1) [Slow Update]Where stories live. Discover now