Kabanata 4

518 31 5
                                    

Bumalik kami sa bahay niya at pinainom niya ako ng gatas. Walang tao sa iskinita kung saan kami dumaan kaya wala gaanong nakapansin samin.

"Are you mad? Naistorbo ba kita?" tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Hindi ako galit sayo. Galit ako sa gagong tito mo." kalmado at matigas na sabi niya. "Sorry pinauwi kita, hindi ko alam na ganon.." pilit akong ngumiti.

"Salamat. A-Ayos lang naman ako." sabi ko pero sa totoo lang ay hindi parin nawawala ang takot at panginginig ko.

"Ano bang trabaho ng papa mo?"

"Senator." tipid na sagot ko at ramdam kong natigilan siya. He tilted his head a bit. "Siya si Senator Montevaldez."

I'm sure kilala niya iyon. Everyone knows my father for being brave and honest senator. Sobrang sikat ang daddy ko dahil siya ang takbuhan ng hustisya ng publiko. Maraming taong naniniwala at humahanga sa galing niya. Priority niya din ang pagtulong sa mga magihirap kaya ganon nalang siya kasikat.

"Senador pala tatay mo bakit hindi mo isumbong ang tarantadong tito mo?" gigil na sabi niya.

But for other people he's a great senator, that's true. Napakagaling niya, but despite of being great he can't fulfill his duties being my father. Palagi nalang siyang wala pati si mommy. Maids lang ang kasama ko palagi.

"Nasabi ko na sa kanila iyan dati pa. Noong fifteen ako, I-I told them na tito Dave tried to kissed me but they don't believed what I said. M-Mabait daw si Tito Dave para magawa i-iyon." I bite my lip to hold the tears that ain't coming. "No one believes me.." sumimsim ako ng gatas para kumalma.

"Eh bullshit pala yang pamilya mo. Anak ka nila tapos hindi ka nila papaniwalaan?" sabi niya na sobrang inis na.

Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya. He's so caring. For the first time in my life ngayon lang ako nakaramdam ng sincere na pag aalala from someone, not because of my status or anything. Its because he cared for me and I know he's sincerity.

"Hindi ko alam. Ayokong bumalik sa mansion." mahinang sabi ko.

"Hindi talaga kita ibabalik doon." nagulat ako sa sinabi niya at bahagyang nanlaki ang mata ko. Tumikhim naman siya at parang nagulat din sa sinabi niya. "Hindi pa..."

Kinuha niya ang jacket sa gilid at helmet niya. "Where are you going?" agad akong nagpanic na baka iwanan niya ako.

"Bibili lang ng pagkain."

"Sama ako!" madali kong kinuha ang bag ko sa gilid nang magsalita siya.

"Saglit lang ako. Dito kana lang." I sighed. "Mabilis nga lang ako." tumango ako.

Tipid siyang ngumiti at lumabas ng bahay. Gusto kong laging kasama siya, ayoko ng mahiwalay sa kanya. I don't know if I'm just being paranoid or I'm starting to like him na. Tumayo muna ako at uminom ng tubig sa maliit niyang kusina.

Kusina pa nga bang matatawag kung nasa tabi lang ng kusina niya ang CR at sala. Parang all in one. This lifestyle doesn't fit for him. Hindi ko alam kung ano pang mga pinagdaanan niya para mabuhay hanggang ngayon.

Natigilan ako nang makarinig ako ng katok. Nakangiti akong naglakad papunta ng pintuan.

Binuksan ko ang pinto at nawala ang ngiti ko nang hindi pala si Noel ang kumatok. "S-Sino kayo?" nagtinginan silang tatlo habang nakakunot ang noo.

"Nasaan si Noel?" tanong ng isang maputing lalaking naka taas ang buhok at naka fitted na gray V-neck shirt.

Hindi ako sumagot at napaatras nang bigla nalang silang pumasok. "T-Teka--"

Be With You (You Series #1) [Slow Update]Where stories live. Discover now