CHAPTER 5: Encounter pt.1

1K 29 0
                                    

Chapter 5


VIEL CONSTANTINO POV

Nandito na ako ngayon sa condo ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung narinig kong usapan nila Kacey at ni Chloe. Sino yung tinutukoy nila? Tsk makapag-facebook na nga lang


Kacey Sandoval POV

Waaaahhhhhh huhuhu malas! malas! malas! Wala akong data kaya paano ako makakapag fb ngayon?! Huhuhu ayaw naman ako bigyan nila mama ng pera! T____T huhuhu

"Oh anak bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Papa

"Tinanong mo pa po talaga Papa?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko kasi alam ang sagot kaya tinanong kita." Sabi ni Papa

Argh! Ayan nanaman siya. Wala akong laban sa kaniya lakas mangtrip at mang-asar niyan ni Papa eh  T^T

"Kacey pwede ba wag ka ngang magdrama diyan. Akala mo naman namatayan ka eh wala ka lang naman load." Sabi naman ni Mama. Isa pa tong si mama eh!

"Hon, diba nga stalker itong anak natin." Sabi ni Papa


"Ay oo nga pala nakalimutan ko." Sabi naman ni Mama

Lakas nila mang asar –____–

"Ay nga pala Kacey lilinisin ko yung kwarto mo ha." Sabi ni Mama. Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.

Hindi pwede!

"Ma! Ako nalang po." Pagpigil ko kay Mama

"Ako na, mamaya hindi mo pa malinis ng maayos eh." Sabi ni Mama

"Ako na pong bahala." Pagpilit ko

"Oo nga pala hon. Yung kuryente natin kailangan na bayaran." Sabi ni Mama

"Ah ganun ba sige ako na ang bahala." Sabi naman ni Papa

Hayst ito nanaman kami. Kailangan namin ng pera ngayon. Si Papa, hindi naman gaano kalaki yung sweldo niya. Si Mama naman ay may karinderya, hindi rin naman malaki yung kita n'ya kaya kulang parin plus yung pag aaral ko pa.

Sana magkaroon ng miracle at magka-pera kami.

"Ma, Pa labas lang po ako ha." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila. Alam naman nila kung saan ako pupunta eh.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa bookstore. Nasa tapat na ako ng bookstore kaya pumasok na ako tumingin tingin ako ng mga libro. Ang daming bago dito. Siguro sold out na yung mga luma. Umalis din ako sa bookstore dahil wala naman akong pera. Naisipan kong dumaan sa eskinita kung saan ako dumaan nung nakaraan. Sa dulo nito ay may isang cake shop. Hanggang tingin lang ang ginagawa ko kasi wala naman akong pambili nun. Nang nasa dulo na ako ay may naka salubong akong lalaki mukhang nag mamadali. Para kaming naglalaro ng basketball dahil parang bina-block ko yung daan niya. Paano ba naman kasi kung saan ako dadaan dun din siya para kaming timang dito.

"Kuya pwede ba! Padaan!" Sigaw ko sa kaniya

"Hoy miss Ikaw ang umalis dyan! Nagmamadali ako!" Sigaw niya

Tinignan ko siyang mabuti dahil ang weird ng ikinikilos niya. Pansin ko din na pawisan siya at parang tumakbo ng napakalayo tapos may hawak pa siyang pouch na kulay itim unang tingin palang ay halata na pambabae yun.

"Ah kuya sayo ba yan?" Tanong ko. Bigla naman nanlaki yung mata niya.

"Oo akin 'to bakit?" Tanong niya

"Ang ganda. Bakla ka ba kuya?" Tanong ko sa kaniya.

Sumama naman ang tingin niya sa'kin...

Lagot.

⚜⚜⚜

© mareezura

A/N:

Here's my other stories

HELLMATE
https://www.wattpad.com/story/230502284?utm_medium=link&utm_content=story_info&utm_source=android

Rose For Rosy
https://www.wattpad.com/story/173597493?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

My Idol Wife
https://www.wattpad.com/story/186224721?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Au Revoir
https://www.wattpad.com/story/219160382?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Or you can just visit my profile para mabasa mo ang iba ko pang stories.

Please don't be a silent reader.
Vote. Comment. Follow.

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon