CHAPTER 33: Promo For Couples

783 18 0
                                    

Viel Constantino POV


(1 week later)


"So class, bukas na ang test niyo kaya inaasahan ko na magre-review kayo ng mabuti. Okay goodbye class." Sabi ni Mr. Salvador at nagpaalam.


"Goodbye Sir!" Pagkaalis ni Sir ay kaniya kaniyang ingay ang mga classmate namin.


"Ay grabe nakaka stress naman." Sabi ni chloe


"Ganyan talaga." Sabi naman ni ungas.


"Alam ko na!" Sigaw ni Kacey

"Ano?" Sabay na tanong no Chloe at ni Unggas.


"Magfood trip tayo mamaya!" Masayang sabi ni Kacey


"Good idea! Since ikaw na din ang nakaisip ikaw ang manlibre." Sabi ni Unggas.


"Ano? Teka bakit ako?" Tanong ni Kacey


"Ikaw kasi ang nakaisip kaya ganun." Pagsang-ayon naman ni Chloe.


"Teka ito si Nerd kasama." Sabi ni Kacey sabay hila sa akin.


"Oy bakit ako nasali dyan?" Tanong ko.


"Diba kasama ka." Sabi nya sabay pasimpleng kurot sa akin. Napaka talaga ng babaeng 'to!


"Ah oo kasama ako." Sabi ko.



"Tsaka libre mo din diba?" Tanong pa ni Kacey at kinurot nanaman ako.


"Oo hehehe." Naku naman. Kung hindi lang kita gusto. Kawawa naman wallet ko, kay Kacey palang ubos na ang laman.


Lord help me.





Macey Sandoval POV


Nakakainis itong unggoy na 'to. Ako pa ang manlilibre eh wala nga akong pera. Buti nalang at nahila ko si Nerd.


"So saan tayo mamaya?" Tanong ni Chloe


"Si Nerd ang dapat na magdesisyon kasi siya naman ang manlilibre." Sabi ko.


"Kayo nalang mag isip." Sabi ni Nerd.


"Hmmm sa Y Land tayo!" Sabay na sigaw namin ni Chloe.


"Y Land? Saan yun?" Sabay namang tanong ni Nerd at Unggoy. Nagkatinginan pa silang dalawa ng masama. Mga baliw talaga. Ano bang meron at parang may away sila?


"Basta!" Sabi ko. Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin kaya tumahimik na kami.




(Fast Forward -— Dismissal)


"Ito na yung Y Land?" Tanong ni Nerd habang nakatingin sa shop na nasa harap namin.


"Oo ganda diba." Sabi ko.


"Ang daming tao." Sabi ni Unggoy.


"Sikat kasi itong Y Land kaya marami talagang tao." Sabi naman ni Chloe


"Pasok na tayo?" Tanong ko


"Tara na!"



Sabay sabay kaming pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng table. Nang makakita kami ay umupo agad kami doon. Si Nerd na ang nagvolunteer na o-order kaya ngayon ay sitting pretty kami.


"Grabe ang swerte ng may-ari nito ang dami niyang costumer" Sabi ni Chloe habang manghangmanghang nakatingin sa paligid.


"Kaya nga eh. Kapag ako nakagraduate magpapatayo din ako ng ganito." Sabi ko naman.


"Me too." Sabi ni Chloe



"Oh!" Nagulat kami nang biglang may bumagsak na tray sa table namin. Si Nerd lang pala.


"Galit ka ba?" Tanong ko


"Hind ah." Gad na sagot niya.


"Eh bakit mo binagsak yung tray?" Tanong ko.

"Ang dami mo kasing inorder mauubos mo ba lahat ng yan!?" Tanong ni Nerd sa akin. Bigla naman akong namula dahil sa sinabi nya. Kasalanan ko bang gutom ako?!



"Hahaha okay lang yan Viel gutom si Kacey eh." Sabi ni Chloe sabay tawa. Hindi ko nalang sya pinansin at nag simula ng kumain. Ganun din naman sila kaya niisa sa amin ay hindi nagsalita.


"Hi Ma'am, S." Pareho kaming apat na napatingin sa nagsalita. Isa palang waiter.


"Ah yes po?" Tanong ko

"May promo po kami ngayon at kayo po ang lucky costumer na makakalibre pa ng isang order ng kahit anong gusto niyo. Ang promo po namin ay para sa mga couples na gaya niyo."


Couples?!

⚜⚜⚜

#SincerelyNona

Edited.

Vote. Comment. Follow.

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Where stories live. Discover now