CHAPTER 36: Secret

783 13 4
                                    

Kacey Sandoval POV

Kriiing Kriiing Kriiing

Kriiing Kriiing Kriiing

Yawn

Ang sarap ng tulog ko. Napagod ako ng sobra kahapon sa amusement park tsaka gabi na rin kami nakauwi at—at paano ako napunta sa kwarto ko?! Sa pagkakaalala ko ay nasa taxi kami ni Nerd tapos... wala na akong maalala.

*Knock Knock*

"Pasok po." Sabi ko.

"Goodmorning Kacey." Bati sa akin ng isang gwapong lalaki with messy hair look. "Laway mo tutulo na." Sabi niya. Agad ko naman pinunasan yung labi ko pero wala namang laway. Masama ko naman siyang tinignan.

Ang aga aga pinagtritripan niya agad ako.

"Nerd!" Sigaw ko. Agad siyang tumakbo pababa samantalang ako naman ay dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan ko sila Mama at Papa pati na rin si Nerd na naghahanda ng pagkain.

"Goodmorning anak." Sabay na bati ni Mama at Papa sa akin.

"Goodmorning Mama! Papa." Pagbati ko din sa kanila at umupo sa isang upuan.

"Goodmorning Kacey."

"Che!" Sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Ang sweet naman Kacey." Sabi niya and note the sarcasm.

"Ha ha ha" Pagtawa ko ng peke.

"Ay naku tara na at kumain. Mamaya kung saan pa mapunta yang asaran niyo." Sabi ni Papa. Napasimangot nalang ako kasi nakita ko si Mama na pasimpleng kinilig. Ayan nanaman sila, mang-aasar nanaman sila mamaya.

"Ay Tita, Tito pwede po ba akong bumisita ulit dito?" Tanong ni Nerd kila Mama.

"Ay oo naman Viel. Kahit nga dito ka na tumira magshare pa kayo ni Kacey ng kwarto." Walang tigil na sabi ni Mama.

"Ma!" Sabay na bigkas namin ni Papa na buong akala ko kontra siya yun pala hindi.

"Dapat kasal muna tsaka sila gumawa ng apo natin." Nakangiting sabi ni Papa. Namula naman ako sa sinabi ni Papa. Ayan nanaman sila.

"Papa!" Sigaw ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nerd kaya tinignan ko siya ng masama. "Isa ka pa!" Sabi ko

"Don't mind me Kacey." Sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain. Pagdating talaga sa kalokohan nangunguna sila Mama at Papa kaya para na akong pulang kamatis. Parang hindi sila aware na nandito pa ako at talagang patuloy lang ang pag uusap nila tungkol sa akin.





Nicolas Sandoval POV (Kacey's Father)


"Viel maaari ba tayong mag usap." Sabi ko habang hawak ang balikat niya.

"Sige po Tito." Magalang na sagot niya. Mabait na bata si Viel at kita ko na may gusto siya sa anak ko. Kailangan ko lang klaruhin ang ilang mga bagay sa kaniya.

"Alam kong gusto mo ang anak ko pero may mga bagay lang akong gustong sabihin sayo. Sana kaya mong maghintay, alam mo naman na masyado pa kayong bata para sa isang relasyon." Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"P-Po? P-Paano niyo po nalaman?" Tanong niya.

"Lalaki din ako Viel kaya alam ko kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae at tsaka ama niya ako kaya ramdam ko kung may gusto ang isang lalaki sa anak ko."

"Tama po kayo. Gusto ko nga po si Kacey." Pag-amin niya.

"Ayos lang sa akin yun basta ba wala kang sinisikreto sa anak ko walang problema."

"Yun lang po Tito... May sikreto po ako kay Kacey."

⚜⚜⚜

#SincerelyNona

Edited.

Vote. Comment. Follow.

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon