CHAPTER 8: Vandrace

955 28 0
                                    

Chapter 8

KACEY SANDOVAL POV


Nang nag-uwian na ay agad akong pumunta sa bookstore gaya ng pinag-usapan namin.
Nang makarating ako ay nakita ko agad sila. Nang makita nila ako ay kumaway sa akin si Shane,  gaya kahapon ay kasama niya ulit si Vince. Oo alam ko na yung pangalan niya, kanina ko lang nalaman habang kausap ko siya.

"Hey Kacey." Pagbati sa akin ni Shane.

"Ah hello." Bati ko pabalik.

"So let's go?" Tanong ni Vince

"Huh? Saan? Akala ko ba mag uusap lang tayo?" Takang tanong ko sa kanila.

"Para hindi ka na makatanggi." Sabi ni Shane

"Huh? Makatanggi saan?" Tanong ko

"Basta, let's go." Sabi ni Vince. Bigla naman nila akong hinila papasok sa isang kotse. Nagpaalam naman si Shane na may tatawagan lang daw siya.
Makalipas ang tatlong minuto ay bumalik na siya at sumakay sa shotgun sit, si Vince naman ang nag-drive.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Basta pero promise namin na magiging masaya ka." Nakangiting sabi ni Shane. Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Parang ayoko na sumama.




VIEL CONSTANTINO POV

Tsk bakit ba kasi kailangan pa itong gawin eh! Isang V-neck white shirt at black jeans ang suot ko. Ito ang sinabi ni Shane.  Isa yata ito sa kalokohan nila ni Vince.

Naghintay pa ako ng 15 minutes bago ko marinig ang doorbell. Agad ko namang binuksan yung pinto at nakita ko sila.

"What took you so---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko.




KACEY SANDOVAL POV

Nang makarating kami sa isang condominium ay sumakay kami ng elevator nakita ko na pinindot ni Shane yung pang-18th floor.
Tahimik lang kami sa loob pansin ko na si Shane at Vince ay hindi mapakali pero di ko nalang yun pinansin. Nang makarating na kami sa 18th floor ay pumunta kami sa tapat ng isang unit. Nag-doorbell si Vince at maya maya pa ay bumukas na yung pinto.

"What took you so---" Hindi niya tinuloy yung sasabihin niya nang mapatingin siya sa akin.

Ang gwapo. Pero mas gwapo parin si crush ko.

"Pasok tayo." Sabi ni Vince at naunang pumasok. Hinila naman ni Shane yung lalaki at ako ang huling pumasok. Ako na din yung nagsara ng pinto. Nang makalapit ako sa kanila at nakita ko na may inaalis na pictures si Vince hindi ko nakita kung sino yun kasi ang bilis ng kamay niya.

"Explain." sabi nung lalaki at mukhang sila Shane at Vince ang kausap niya.

"Ah siya pala si Kacey and need niya ng trabaho kaya siya ang magiging alalay mo." Sabi ni Shane. Nagulat naman ako sa sinabi niya. ALALAY?!

"Don't worry Kacey mabait naman siya eh." Sabi ni Vince

"Tsaka wag ka ng tumanggi alam namin na kailangan mo ng pera diba." Sabi naman ni Shane. Tumango nalang ako sa kanila at tinignan yung lalaki.

"Oh by the way, I'm Shane Vasquez an he's Vince Villanueva." Pakilala ni Shane sa akin.

"Ah okay." Tanging nasabi ko.

"Ah so pakilala na kayo sa isat isa." Nakangiting sabi ni Vince.

"Ah hello I'm Kacey Sandoval." Pakilala ko sa kaniya.

"Ah I'm... Vandrace. Just call me Vandrace." Pakilala niya sa sarili niya na para bang hindi niya alam ang pangalan niya.

Vandrace. Ang cool naman ng pangalan niya.

⚜⚜⚜

© mareezura

A/N:

Here's my other stories

HELLMATE
https://www.wattpad.com/story/230502284?utm_medium=link&utm_content=story_info&utm_source=android

Rose For Rosy
https://www.wattpad.com/story/173597493?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

My Idol Wife
https://www.wattpad.com/story/186224721?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Au Revoir
https://www.wattpad.com/story/219160382?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Or you can just visit my profile para mabasa mo ang iba ko pang stories.

Please don't be a silent reader.
Vote. Comment. Follow.

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon