Chapter 15

1.2K 59 22
                                    

Ara's POV

"Good Morning, Bal" bati niya habang papalapit ako sa kaniya.

"May almusal na?"kaagad na tanong ko.

"Kita mo na, pagkain kaagad ang hanap mo"saad niya at umupo na lang ako sa harap ng dining table.

"Meron na kaso nakakain na ako. So baka ikaw na lang kumain mag-isa. Late na kasi ako sa school eh"saad niya habang abala sa paghuhugas ng pinggan.

"Ano ba 'yan? Kahit sa dorm wala akong kasabay kumain pati ba naman dito"saad ko at nagpout lips.

Napangiti na lang siya at nagpunas na siya ng kamay.

"Anong oras ka na kasi nagigising oh. 10:15 na kaya, natural wala ka nang makakasabay"saad niya at nagsuot na siya ng relo.

"Hay, ano pa nga ba?"sagot ko naman at naghain na lang ng makakain.

"Sige Bal, una na ako. Iiwan ko na lang laptop ko para makapanood ka kung gusto mo"nagmamadaling saad niya "Huwag kang magbalak kasi dinelete ko na yung mga porn ko diyan kaya wala ka nang mapapanood na di maganda para kay Baby"

Naparoll eyes na lang ako. Akala ko pa naman makakalusot ako. Haaaay!

"Una na ako, kain ka lang diyan"saad niya at nabigla ako nung hinalikan niya ako sa sintido ko atsaka tumakbo palabas.

Shit!

"Oy!"sigaw ko at kaagad siyang napalingon.

"What?"

"Bakit mo ko kinissan?"tanong ko habang sobra ang pagtataka.

Nagtaka rin naman siya "Bakit? Masama ba?"

Kumunot ang noo ko. Masama nga ba?

Pero bakit ganun? Bakit nag iba ang pakiramdam ko noong ginawa niya saakin yun? Shit, bakit???

"Umm, wala. Masarap sa fe-"

Napatigil ako sa isasagot ko at napataas ang dalawang kilay niya.

"Ano yun?"tanong niya.

Shit! Ano ba Ara?!

Napailing ako at ngumiti "Wala, galingan mo sa school"

Napangiti rin naman siya "Thanks, Bal"sagot niya at lumabas na siya.

Kaagad na lang akong bumuntong hininga.

What's wrong with you Ara? Anak ng tofu ka talaga.

.

.

.

Binuksan ko yung laptop ni Bal at nabigla ako sa nakita kong desktop wallpaper niya. Si Arra.

I wonder, nag uusap pa kaya sila? Bakit kaya wallpaper pa rin niya si Krisette eh ang tagal na nilang wala.

Pero, ano bang magagawa ko? Mahal niya 'to eh. Mahal na mahal niya. Eh si Bang kaya. Hmmm, ang tagal ko na siyang hindi nakikita o nakakausap. Tsaka ewan ko, bakit parang hindi ko na siya naiisip sa mga nagdaang buwan. Though hindi ko natanggap na naghiwalay kami pero bakit kaya ganito? Hindi ko na siya naiisip pa. Ngayon ko na nga lang naalala na 'ay! May ex girlfriend nga pala ako. Ay! Tomboy nga pala ako!'

Hay, dahil dito sa pagbubuntis ko ibang iba na ang pananaw ko eh.

Iba na ang naiisip ko sa pang araw araw. Iba na yung ako kesa noon. Hindi ko nga alam kung tomboy pa ba ako o naging straight na ulit kasi nagiging Nanay na ako.

Hindi man halata, hehe, pero ngayon naiisip ko na talaga ang kapakanan nitong baby ko. Hindi na ako katulad dati na sige go lang kahit buntis ako. Ngayon, mukhang sineseryoso ko na.

Gayle's SecrecyWhere stories live. Discover now