Chapter 27

820 85 17
                                    

Ara's POV

"Isa!"

"Baaaal"

"Dalawa!"

Tiningnan niya ako nang diretso at mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung 'yang pagtitig mo ipinang bya-byahe mo na EDI SANA nakaalis ka na"saad ko.

"Ano bang klaseng bituka meron ka?! Ala una na ng medaling araw! Hintayin mo na lang mag alas syete para lumaba—"

"NO!"

"Bal, ayoko ngang lumabas para lang bumil—"

Kaagad kong kinuha yung susi ng kotse niya at tumayo. Ako na lang bibili.

"AKO NA! AKO NA!"kaagad niyang hinablot ang susi mula sa kamay ko at bumangon siya "Magpahinga ka na diyan at ako na lalabas"

Inirapan ko lang siya at muling umupo sa kama pero sa loob loob ko tumatawa na ako.

"Ilang sardinas ba nauubos mo sa isang araw? Magkakagalis ka na eh"saad niya habang nag-aayos nang konti ng buhok.

"Anong galis? Baka kaliskis, timawo ka"saad ko at tiningnan lang niya ako.

"Pasalamat ka mahal kita, kung hindi. Naku ka"bulong niya at kinuha ang wallet at cellphone niya.

Pigilan mo 'yan Ara! Bawal kiligin! Nagtatampo ka. Nagtatampo ka!!

Humiga ako sa kama at tinignan lang siya makalabas "Bilisan mo ah!"pagtataray ko.

"Kelan ba ko naging mabagal, Bal?"tanong niya at kaagad ko siyang binato ng unan. Natawa naman siya at pinulot ang unang binato ko sa kaniya.

"Ang bastos mo"inis na saad ko at ngumisi lang siya.

Yung ngising nakakatakot! Kala mo may plano!

"Ano nanaman 'yang tingin mo?"tanong ko.

*Mwah*

"Bye!"biglang takbo niya palabas ng kwarto.

"KAMBAAAAAAAAAL!!!"

.

.

.

.

.

Thomas' POV

Ginaw na ginaw ako habang naghahakot ng mga pagkaing hiniling saakin ni Bal dito sa isang convenience store.

Nagpapabili siya ng sardinas, gummy bears, powdered milk of course bear brand na naman, tsaka yung crushed na graham.

Siyempre dinamihan ko na para wala nang masabi yung babaitang 'yun. Ala una gagantuhin niya ako?! Pagod na pagod pa ko sa kakabasa ng report namin tapos ito? Bakit ba ang hilig na nun ngayon sa sardinas! Nakakainis. Kakagrocery lang naming, ubos na kagad sardinas.

Syempre, pagkatapos kong humakot ng sandamakmak na sardinas at ilang mga pinabibili niya, bumili ako ng beer for me. Light beer lang naman, para makatulog lang ako.

Nung magbabayad na ako ay pansin kong napapatingin lang sa'kin yung kahera.

"Pulutan niyo ho 'tong sardinas at gummy bears?"tanong niya.

Tinitigan ko lang siya.

"Oo, try ko lang"walang emosyong sagot ko.

Hindi naman siya nakasagot. Kapag ganito akong pagod at puyat, magka utak ka kasi hindi talaga kita masasagot ng maayos sa tanong mo.

"376 po"

Nagbigay ako ng 400 at nagdire-diretso na ako habang bitbit yung plastic.

Umuwi kaagad ako sa dorm at nadatnan ko si Ara na nakaupo sa kama.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon