Chapter 22

1.3K 86 36
                                    

Ara's POV
5th Month of Pregnancy

"BAAAAAAAAAL!"

Kaagad napabangon si Bal sa kaniyang pagkakahiga nung sinigawan ko siya mula sa pinto ng kwarto.

"Gumising ka na!! Tanghali naaaaa!"sigaw ko sa galit at napatingin siya sa akin.

"Anong oras na ba?"tanong niya.

"Alas syete na!"sagot ko.

"Ano?! Di ba ang sabi ko gisingin mo ko ng ala singko ng madaling araw?!"nanlalaking matang tanong niya.

"IKAW 'TONG TULOG NA MANTIKA! Bumangon ka na!"

Kaagad siyang nabuhayan at kinuha kaagad ang towel. Bumalik naman na ako sa paghahain ko ng pagkain sa dining area at narinig ko na ang mabilis na pagkilos ni Bal sa kwarto niya. May defense kasi si Bal ngayon kaya nagpapagising ng maaga pero bahala na siya. Kanina ko pa siya ginigising ayaw niya bumangon.

Nung naglalagay na ako ng pagkain sa lamesa ay sobra na talagang sumakit ang likod ko. Sobra na kasi yung bigat ng tyan ko, dalawang bata ba naman eh.

"Bilisan mo maligo! Kakain ka pa!"sigaw ko at umupo na ako sa tapat ng hapag kainan. Narinig ko naman na yung pagbuhos ng tubig, mukhang naliligo na siya.

Habang nakaupo ako sa harap ng hapag kainan ay sinimulan ko na lang kainin yung avocado na ginawa ni Bal kagabi para sa akin. Yung avocado tapos may asukal na di ko alam ang tawag pero ang sarap niya, bongga. Actually pangalwang linggo na akong kumakain ng ganito. Mapa almusal, tanghalian, meryenda, hapunan o midnight snack eh talagang kumakain ako nito.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Bal at tila ba dire diretso na siya palabas.

"Hoy, saan ka pupunta?"tanong ko.

Napatingin siya sa akin "Syempre papasok na. Late na ako"sagot niya.

Tinignan ko siya ng diretso "Nagluto ako 'di ba?"sarkastikong tanong ko at napatungo na siya.

"Naghanda ako at naghain ako tapos hindi ka kakain? Gusto mo bang ipakulam kita?"sarkastikong tanong ko.

Napatingala si Bal at bumuntong hininga.

"Fine"bulong niya at medyo padabog na lumapit papunta sa hapag kainan.

"Good"bulong ko naman.

Umupo siya sa harap ko at nasimula na siyang kumain. Halatang nagmamadali.

"Bili mo ko isan-"

"Oo na, isang kilo ulit ng avocado at asukal"kaagad na pagsasalita niya.

Kumunot ang noo ko "Isang pack ng fudgee bar at isang pack ng Oreo. Isang lata ng condensed milk at isang all purpose cream"

Dahan dahan siyang napatingin sa akin.

"For what?"tanong niya.

"Ewan ko sa'yo!"sagot ko at kaagad na akong pumunta sa may living room dala ang avocado ko. Nakakainis, inuunahan na ako. Nagsasalita ako 'di ba? Ang bastos! Kainis.

Palagi na lang niya akong ginaganito. Pakiramdam ko may iba na siya. Ang sama sama na niya sa akin.

.

.

.

Thomas' POV

Napakunot noo na lang ako sa pagtataka. Ano nanaman bang drama ni Bal ngayon? Pansin na pansin ko na ang pagiging drama queen niyan ah. Kahapon, nagtampo na yan kasi inuna kong kainin yung pizza na pasalubong ko kesa sa tortang talong na niluto niya. Kakainin ko naman talaga yung talong na yun ah! Sadyang mas una ko lang kinain yung pizza. Mas malala pa diyan nung isang linggo. Halos dalawang araw niya akong di kinausap nun! Kasi nagluto siya ng pritong manok at pritong hotdog. Ang sabi niya kasi tikman ko yung manok kasi bagong brand ng breading mix daw ginamit niya, kahit hindi mahalaga yun pumayag na lang ako. Nung kakain na kami una kong nilagay sa pinggan kong ulam ay yung hotdog, NAGALIT NA SIYA!

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon