Finale

1K 51 25
                                    

Thomas' POV

I sighed heavily.

Pinagpagan ko ang dalawang kamay ko sa pamamagitan ng pagpalo palo nito sa isa't isa at inakbayan naman ako ni Kuya.

"Almost"he say.

I chuckle "Almost done, right?"

Tumango siya "Now come on, nalagay ko na sa trunk lahat ng bags mo. Hinihintay ka na ni Mommy sa bahay"

Muli akong tumingin sa dorm ko at napabuntong hininga.

"This is it"I whispered.

Hinawakan ko ang door knob ng dorm ko at muli akong sumulyap dito. Apat na taon. Apat na taon ko siyang inuuwian pagkatapos ng mahabang araw ko sa La Salle. Lahat ng pagod ko, galit ko, inis ko, o miski saya ko, ang dorm ko na 'to ang nakasaksi sa lahat ng yun.

Ganito pala talaga ang pakiramdam noh? Dati rati, kapag hindi pa graduating gustong gusto mo ng mag fast forward sa graduation. Gusto mo ng iwan lahat, tapusin lahat at tuldukan lahat.

Pero pagdating na ng mga puntong yun, parang gusto mo pa magpaextend ng isa o dalawang taon pa para muling maramdaman yung ups and downs na experiences na yun.

Gra-Graduate na ako.

Tapos na ang mga panahon ko bilang matawag na isang mag-aaral o student.

Kahit pinagod ako ng La Salle at siningil ako buwan buwan ng dorm na 'to, gusto ko pa sanang maexperience yung ganung feeling. Gusto ko ulit kahit dati rati masumpa ko na lahat para lang makaalis na dito.

Kakaiba talaga tayo. Kung kelan tapos, saka hahangad ng isa pa.

Tinapos mo na nga, hihingi ka pa ng isa pang pagkakataon.

Nakakalimutan natin na yung mga panahon na nararanasan natin, yun na yung 'isa pa'. Kasi kapag natapos na, wala na. Tapos na talaga.

Yun yung nararamdaman ko ngayon.

Torn between yes tapos na at ang sad kasi tapos na.

Masaya ako na natapos ko ang bachelor's degree ko.

And now that I'm really going to face my new journey, hinding hindi ko malilimutan itong past ko na 'to.

"Bro, huwag mo nang titigan. Baka lalo kang magbreakdown niyan"

Nabigla ako nung niloko pa ako ni Kuya at natawa na lang ako.

"Anong breakdown? Atapang atao 'to"pagbibiro ko at sinara ko na ang pinto. Nilock ko sa huling pagkakataon ang pinto ng dorm ko at binigay sa caretaker na si Manang Ale.

Muli akong nagpaalam at sumakay na ako sa kotse ni Kuya.

"Graduation day, it is"he said and started the engine.

Alas dyis ng umaga ang start ng commencement address. Kaya naman habang nakaupo ay sa halip na nakatingin lang ako sa unahan. Palingon lingon, at tingin sa magkabilang sides, nagbabakasakaling dumating siya.

Darating kaya siya?

Siguro naman oo.

Maliban sa graduation ko 'to, graduation din to ng mga malalapit niyang kaibigan. Siguro naman may iba rin siyang rason hindi lang ako pero okay na saakin yun. Basta makita ko lang siya at makita niya lang ako na may suot na toga, masaya na ako.

Hindi naman sa pinagmamayabang ko na ako nakagraduate. Pero gusto ko lang ipakita sa kaniya na kaya ko, kaya kong ibigay na sa kaniya lahat.

Lalo na ngayon na may sarili na talaga akong desisyon sa buhay. Haha.

Gayle's SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon