Chapter 1: Interview

1.2K 15 0
                                    

UNA PO SA LAHAT BAGO KO UMPISAHAN ANG UNANG CHAPTER NAGPAPASALAMAT AKO SA NALIGAW NA READER :)

PA LIKE NAMAN PO NG FACEBOOK FAN PAGE JUST SEARCH MY ILLEGAL BOSS AND CLICK THE LIKE.

WARNING: Sorry for grammatical errors.
*****

"MA?? Naplantsa mo na po ba yung susuutin ko para sa interview mamaya?" Sigaw ko mula sa aking kwarto.

"Oo anak nilagay ko na sa loob ng cabinet mo tingnan mo na lang dyan" Sagot ni Mama sakin na mula sa may kusina.

"Okay po. Salamat Ma" kinuha ko na ang damit ko at sinuot.

Isa itong long sleeve black polo at skirt, interview ko kasi ngayon sa GREYSON WORLD isa daw itong company sabi ng bestfriend ko,di ko lang alam kung anong klaseng kompanya.

Malaki daw ang sahod dito kaya nagpasa agad ako ng resume ng ibigay niya ang email address nito.

Alam kasi ng bestfriend ko na kailangan na kailangan ko ng pera para pampagamot sa papa ko, may sakit kasi si Papa sa puso kaya kailangan siyang operahan, napamahal na din kasi yun sa pamilya ko dahil nung nag-aaral pa kame ay lagi siyang nandito na halos dito na rin siya nakatira.

Medyo kinakabahan ako dahil first time kong mag work kapag natanggap man ako.

Sana masagot ko ng maayos ang mga tanong at sana hindi ako magkandautal- utal dahil baka ito pa ang magiging dahilan kapag bumagsak ako sa interview.

Naglagay lang ako ng powder and Light lipstick then perfect, kinuha ko ang bag at folder na naglalaman ng resume ko.

Lumabas na ako at nagpaalam kay Mama at Papa na naabutan kong kumakain sa mesa.

"Ayaw mo na bang mag-almusal muna dito anak?" Tanong ni Mama.

"Maghahanap na na lang po ako ng makakainan dun after ng interview ko Ma, ayaw ko naman pong mahuli sa interview" Tumango na lang si Mama at humalik na ako sa pisngi nila ni Papa.

"Mag- ingat ka anak, galingan mo ah" Habilin ni Papa sa akin.

"Sila kamo ang mag-ingat sa akin Pa, malakas kaya to di nila ako kaya" nakangiti kong tugon kay Papa. Tumawa na lang silang dalawa.

Lumabas na ako ng bahay at nag-antay ng taxi. Habang nag-aantay ng taxi magpapakilala muna ako. I am Jill Saffiya Tuazon 20 years of age.

Kakagraduate ko lang ng Business Administration kaya ngayon kailangan ko ng magtrabaho para ako naman ang makatulong sa parents ko especially sa Papa ko.

Buti nga tinawagan agad ako ng Greyson World na interview ko daw ngayong araw.

Sana talaga matanggap ako! Para makatulong na ako kila mama may maliit lang kasi na business si papa kaya hindi pa rin sapat sa amin ang gastusin sa araw-araw, kulang pa rin itong pampagamot sa papa ko.

Nag-iisa lang akong anak, ayaw na kasi nilang sundan pa ako para daw matutukan nila ang paglaki ko.

Pinaaral nila ako sa isang private school which is the Greyson School na puro maaarte ang estudyante except me and my bestfriend.

Kumusta na kaya yong bestfriend ko na yun after kasi ng graduation pumunta siya ng ibang bansa vacation lang daw, mayaman sila kaya okay lang kahit hindi na siya magtrabaho pa.

Gusto ko nga sana noon sa public school na lang eh dahil di masyadong kamahalan pareho lang naman na school yun at makakapagtrabaho din naman pag nakatapos pero ang kulit kasi talaga ng parents ko. Tsk!

May papalapit na na taxi sakin pinara ko ito at sumakay agad. Sinabe ko ang address at pinaandar na ito ni manong.

Wala pang 20 minutes ay nakarating na ako sa pupuntahan ko. Binayaran ko na si Manong Driver at nagpasalamat ako bago bumaba.

GREYSON WORLD

Yan agad ang bumungad sa akin siguro ito din ang may-ari ng Greyson School, ang yaman naman ng mga greyson na to.

Tumingala ako dahil sobrang taas talaga ng building. May ganito pala kataas na building pano kong lumindol? Naku naku! Kawawa naman ang mga tao sa loob pag nagkatotoo.

Inayos ko muna ang suot ko bago pumasok sa loob,pinagbuksan naman ako ni Manong Guard.

"Good Morning po Manong anong floor po ba ang office ng CEO? interview ko po kasi ngayon" magalang kong tanong kay Manong.

"Good Morning din Maam sa pinakadulo pa po 45th floor " Nagpasalamat ako kay Manong bago tumungo sa Elevator. I press the open button then pumasok na ako.

Pinindot ko na papunta sa 45th floor, habang umaandar ay kinakabahan ako ng sobra. Pano kong di ako tanggap? Ayokong ma disappoint yung parents ko.
Paano na lang si papa.

Ano ka ba Saffiya dapat positive lang lagi.

(TING)

Lumabas na ako at nakita ko agad ang nakadikit na CEO OFFICE sa pinto. May babae akong nakita sa gilid she must be the secretary. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Excuse me Miss I'm Jill Saffiya Tuazon may interview ako ngayon" tumingala siya at seryosong tumingin sakin.

"Kanina ka pa hinihintay ni Boss Pasok na po kayo sa loob" I felt something weird to her. Teka? Ba't parang ako lang ata ang tao dito? Ako lang ba ang may interview ngayong araw?

Binuksan niya ang pinto at pinapasok na ako. Pagkapasok ko sa loob ay tiningnan ko agad ang nilalaman ng kwartong ito.

Maganda ang mga designs sa loob, may mga paintings pa na malalaki ang nakadikit sa mga gilid.

May nakita din akong dining sa may dulo, baka dito na rin natutulog ang may-ari kapag napagod na sa work. Nagulat ako ng may biglang nagsalita.

"Sit down Ms. Tuazon"Maawtoridad na boses ang narinig ko at umikot paharap sa akin ang isang swivel chair na kanyang kinauupuan.

Muntikan ko ng mahulog ang dala dala kong folder dahil sa gulat!

Is this really true or I am just dreaming? Please dont wake me up. May lalaki ba talaga na ganito kagwapo? Oh my god ito ba ang magiging boss ko? Ang bless ko naman thank you God.

" I SAID SIT DOWN!!!" Nagulat ako ng sumigaw siya bigla akong naupo sa upuan na kaharap niya.

Bigla tuloy akong natakot sa aura niya ngayon dahil napakaseryoso nito.

"While I'm talking, you must listen attentively to me because I really hate stupid person who wants me to repeat what have I said" Napayuko ako sa sinabe niya.

"I'm sorry Sir." Pinaglalaruan ko na lang ang mga kuko ko para iwas kaba. Interview pa nga lang napagalitan na ako, nakakatulala naman kasi talaga yung kagwapuhan niya kaya lang ang sungit. Turn off men!!

"I'm gonna hire you as my new secretary. You can start tomorrow morning at exactly 8 o'clock"

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabe niya.

"Agad-agad sir?" bigla kong tanong. Yun lang yun? Hire agad wala ng interview pa? Pero diba may secretary naman siya bakit kailangan niya ng new so ibig sabihin ako ang papalit sa babaeng yun?

"You can go now" Sabi niya ng hindi nakatingin sakin dahil busy na ito sa mga files na nasa harap niya.

"Thank you sir. You will not regret to have me in your company goodbye sir." Paalam ko at aalis na pero bago ko mabuksan ang pinto ay narinig kong bumulong siya.

"I dont think so"

Binalewala ko na lang ito at tuluyan ng nilisan ang kwarto. Nagpaalam na din ako sa babae at tango lang ang natanggap ko sa kanya. Ang seryoso naman ng mga tao dito.

Sumakay na ulit ako sa elevator pababa habang nasa loob ako ay di ko mapigilang sumigaw at tumalon talon dahil sa tuwa. Yes!! May trabaho na ako matutuwa si Mama at Papa nito excited na akong makauwi ng bahay. Sa bahay na lang din ako kakain dahil maaga naman akong natapos.

*****
#MIB

Guys please support my new story.

Pabasa na rin ng story ko na SOLD TO THE ARROGANT MAFIA BOSS

Vote and comment na rin para maging masaya ako. Hehe.

My Illegal BossWhere stories live. Discover now