Chapter 9: Witness

262 4 0
                                    

(Jill's POV)

Nasa taxi na ako papasok sa trabaho I still can't forget about what happened last night.

Nahihiwagaan na talaga ako sa magkakaibigan na yun. Lagi kasing may nangyayari kapag nasa paligid sila, yung makikita mo na lang na nagkakagulo na. Tsk! Baka miyembro sila ng sindikato kaya ganun na lang kayaman yung unggoy na yon?

But it's very impossible dahil wala sa mukha nila na gawin ang mga ganoong gawain ng syndicate.

Napasigaw ako ng may biglang pumutok. What was that?? Tiningnan ko si manong driver na lumabas at parang may chinicheck sa harap.

"Manong what happened po?" Tanong ko ng nakadungaw aa bintana.

"Pasensya na iha nasiraan ako, tumirik itong taxi ko."

"Ganon po ba? Sige po lalakarin ko na lang po, medyo malapit naman na po ako." Sabay labas ng taxi at nagbigay ng bayad.

"Pasensya na talaga iha" hingi niya ng paumanhin.

"Ayos lang po Manong, sige po salamat" nakangiti kong sabi at nagsimula ng maglakad buti di pa masyadong mainit 7:30 pa lang kasi ng umaga vitamins din to.

Malapit na ako sa Greyson World ng may marinig akong sumisigaw mahahala mo sa boses na iyon na parang nasasaktan. .

Hala?!! May multo ba dito? Maaga pa naman ah.

(Bakit? Sa gabi lang ba nagpapakita ang multo?)

Oo nga nuh? Tsk, tahimik ka na lang Miss A.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses ng sumigaw ulit ito but this time iba na naman ang boses.

Pumasok ako sa isang may maliit na daanan, dahil nagmumula dito ang mga ingay.

Di ko alam ang kung bakit ko to ginagawa curiosity kills ika nga nila. Habang papalapit ng papalapit lalo kong naririnig ang mga sigaw nila na hirap na hirap.

Naku!! baka mapahamak pa ako nito but I really want to know why they keep shouting in pain. May nakita akong likod ng apat na lalaki sa harap nila ay may dalawang lalaki na nakaluhod at duguan.

Oh my god ano na naman tong nakikita ko ngayon araw araw na lang ba akong nakaka encounter ng ganito??.

Nagtago ako sa may wall para di nila ako makita, kitang kita ko mula dito ang dalawang lalaki kawawang kawawa na ang mga itsura nila. Napayuko ako ng konti ng nagsalita ang isa mga lalaking nakatalikod sa akin.

"Who is your leader?" Di ko sila masyadong makita pero parang familiar yung mga likod nila.

"Kahit patayin mo pa kami ngayon wala kang mapapala samin" matigas ng isa sa dalawang lalaki na nakaluhod.

"Okay, mabilis lang akong kausap" sabi naman ng unang nagsalitang lalaki kanina na isa sa mga nakatayo, pati boses familiar sakin, nakakatakot ang boses niya na parang gusto mo na lang mangisay kapag narinig mo ito.

Naglabas siya ng baril, oh god!! Tinutok niya ito sa dalawang lalaki.

"I'll count to three" sabi niya sabay bilang.

"TRES!! TRES!" Tanging sigaw ng dalawang lalaki. Tres? Ano yun? Yun ba yung pagkatapos ng dos tres? Napalundag ako sa takot ng marinig ko ang dalawang putok nakahandusay na ngayon ang dalawang lalaki na wala ng buhay.

Lord! Patnubayan mo po ako ngayong araw, pahamak naman kasi tong curiosity ko eh, baka mamamatay ako dito.

Bago pa sila makaharap sa akin ay tumakbo na ako palabas, di talaga ako huminto hanggang sa nakapasok ako sa Greyson World. Nagtaka ang guard sakin pero nginitian ko na lang ito ng pilit.

My Illegal BossWhere stories live. Discover now