Chapter 7

4.9K 197 28
                                    

"Bakla ka ba?"

Parang may dumaan na anghel sa kwarto dahil sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa. Nagtitigan kaming dalawa at kitang-kita ko ang pagkurap niya na parang pina-process ang tanong ko.

"Ha?" Tila nawalan siya ng hininga habang nakatitig sa akin.

"Sabi ko, bakla ka ba?" Unbothered kong tanong na mas lalong nagpakurap sa kaniya. Dalawang beses siyang lumunok at dahan-dahan na umiwas ng tingin.

Tumikwas ang kilay ko sa biglaan niyang pag-ayos ng tayo. Minasahe niya ang kaniyang balikat at nag-stretching. Lalong tumaas ang kilay ko at feeling ko umabot na 'yon hanggang hairline ko.

"Paano mo naman nasabi na bakla ako? Judgemental ka." Sabi niya habang hindi pa rin nakatingin sa akin. Pasimple akong napangisi at umiling.

"Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko. Oo kung bakla ka at hindi kung hindi. Anong mahirap doon?" Sinadya kong gawing inosente ang tono ng pananalita ko na parang normal lang sa akin na itanong 'yan kahit kanino.

Ayaw ko mag-assume sa mga bagay-bagay. Hindi ako madaling manghusga lalo na kung wala akong concrete na ebidensya. Mahilig ako mangilatis ng tao pero hindi ibig sabihin n'on ay magaling na ako bumasa ng tao.

May mga factors na ako naco-consider na isa nga siya sa federasyon. Sa tindig niya pa lang na pilit ay halata nang may kakaiba sa kaniya, sa pag-irap ng kaniyang mata hanggang sa pagpilantik ng kaniyang kamay.

Hinarap niya ako at seryosong tinignan. "Hindi ako bakla." Sagot niya gamit ang seryoso niyang tono. Nagkibit balikat ako at umupo sa higaan.

"Hindi naman pala eh, ang dami mo pang palusot." Napansin ko na mas na-tense siya kahit na sinabi na niyang hindi siya bakla. Ha! Umamin na kasi!

"Hindi ako bakla."

"Alam ko."

"I am not gay."

"Paulit-ulit?"

"I am not a gay because..." Saglit siyang natahimik at napayuko, pansin ko na kinakalikot niya ang kuko niya habang nags-sway.

"I'm a barbie girl, in a barbie world." Kahit expected ko na ang sagot niya sa tanong ko ay nanlaki pa rin ang mata ko.

Napatayo ako sa kama at hindi makapaniwalang nilapitan siya na nakahinga na ng maluwag dahil wala na ang tensyon sa balikat niya.

"Geez, ang hirap mag-conceal ng identity. Stress!" Bulong niya habang maarteng hinihilot ang sentido niya. Napa-upo siya sa isang upuan at uminom ng tubig.

"So bakla ka nga?" Paninigurado ko habang inaabot sa kaniya ang isa pang baso na may lamang tubig. Inisang lagok niya 'yon at pinunasan ang bibig niya gamit ang likod ng palad niya.

"You heard it right. I'm a gay, certified member ko LGBTQRSTUVWXYZ." Litanya niya sabay dekwatro na parang babae. Natulala ako saglit at tinitigan ang gwapo niyang mukha.

Hindi maikakaila na maraming masasayangan sa ganitong klaseng features. Kung magkakaroon man 'to ng anak, sigurado akong maganda ang lahi nito.

Anak...

Sperm donor...

Bigla akong umiling at mahinang tinampal ang pisngi ko dahil sa naisip ko. What the heck! Bakit naisip ko pa yung sperm donor?! Erase! Erase!

"Hey, are you alright? Para kang baliw." Komento niya sa munting gestures ko na nagpagulat yata sa kaniya. Namula ng kaunti yung mukha ko dahil nakakahiya yung ginawa kong pagtampal sa mukha ko.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon