Special Chapter: Operation

4.4K 149 33
                                    

Operation: Ibugaw si Samantha

"Ano na 'te? Ano na plano natin kay Samantha?"

Seryosong nag-uusap sa isang table ng coffee shop ang tatlong fairy god mother ni Samantha. Bitbit ang kapeng binili sa 7/11, naki-upo lang sila sa labas ng starbucks kasi nangalay na sila kakalakad.

"Teka lang cyst nag-iisip ako." Nilapat ni Christie ang hintuturo niya sa labi ni Trishia na nagulat sa ginawa niya. Dinilaan ni Trishia ang kamay niya kaya isang malakas na sampal ang natanggap niya.

"Putanginamerz! Kadiri ka gaga!"

"Akala ko kasi lollipop." Inosente itong ngumiti kaya isang irap lang ang naisagot ni Christie.

"Ano na naman bang katarantaduhan 'to?" Urat na urat na si Marga/Marco dahil kanina pa sila nakatambay dito at pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Wow! Nakakahiya naman, ang inosente parang hindi alam kung bakit tayo nandito ha?"

"Iwanan? Iwananan sa ere?!"

"Iiwan ko na talaga kayo kapag hindi pa tayo umalis dito." Nahihiyang tinago ni Marga ang mukha niya at sumimsim ng kape. Kanina pa kasi sila mukhang tanga sa labas at baka isipin may misyon silang patayin si Cynthia Villar at gawin fertilizer. (chour lungs!)

Hindi na lang siya pinansin nang dalawa at nagpangalumbaba at malalim ang iniisip.

Akala mo kung sino matatalino kung makapag-isip.

"Nag-iisip ako ng magandang paraan kung paano itatapon si Samantha sa lalake. May paraan ba?" At nagsimula na nga sila sa totoong purpose kung bakit sila may meeting de avance.

Ilang linggo na silang stress kung paano tutulungan ang kaibigan nilang mabubulok na ang matris. Ilang beses na rin nila tinry sa blind date ang kaibigan pero lahat laging olats.

"Kung bakit naman kasi sa kaniya pa binigay yung fallopian tube at ovaries, kung sa akin napunta 'yan, araw-araw sagana sa ani!" Suhestiyon ni Trishia.

"May ani nga, Aida naman ang kapalit." Sabat ni Marga, mas lalong umirap si Trishia.

"Dedma sa aida, at least namatay ako na nasasarapan. Eh si Samantha? Mamamatay lang." Isang batok ang natanggap ni Trishia kay Christie, sobrang lakas na muntikan na matumba si Trishia.

"Mas mabuti na hindi binigay sa'yo, dadagdagan mo lang problema ng Pilipinas."

"Ay wow, ako lang 'to oh Christie, kaibigan mo?"

"Wala akong kaibigan na babaeng may bayag."

"Nakakahiya naman sa mas daks sa akin." At dito na nagsimula ang muli na naman nilang pag-aaway. Naiwan na naman si Marga na sanay na sanay sa nangyayari sa paligid niya ngayon.

"Tangina isa pang away at ibubuhos ko sa inyo 'tong kape."

"Shut up jake zyrus!" Sabay silang sumigaw kaya walang pasabing binuhos na nga ni Marga ang kape sa mga binti nila. Nagtilian ang dalawa at parang kiti-kiti na hinihimas ang mga hita nilang nabuhusan ng kape.

"Walang personalan!"

"Offended ka naman agad sa jake zyrus!"

Nakaka-offend naman talaga ang jake zyrus lalo na kung hindi naman talaga. Ewan ko ba sa mga bayot na 'to, bakit sa lahat ng tomboy kay jake pa siya dapat i-compare?

Sa body built di hamak na mas lamang si Marga, suki yata ng gym 'to. Akala nga nila Christie naroon lang si Marga para sumilip pero ang bruha, siya pala ang sinisilip!

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon