Chapter 25

4.6K 148 24
                                    

"SIRA ULO KA!" Isang malutong na batok ang natanggap ko kay Christie after ko i-kwento sa kanila ang nangyaring proposal ko para kay Sean.

"Sinong loka-loka ang gagawa ng ginawa mo? Wala! Ikaw lang!" Aburido din si Trishia na abala sa pagsisipat sa mga gowns na naka-display sa labas ng shop.

Napanguso ako dahil maski ako ay hindi rin inexpect ang gagawin kong 'yon, na-realize ko nalang na ang absurd nang nagawa ko pagkagising ko kinabukasan.

"Calamares pa talaga ang ginawa mong singsing?! Nasisiraan ka na ng bait 'te, magpa-albularyo ka na!" Inangat ni Christie ang isang nude long back gown at tinapat sa akin.

"Eh wala na akong choice eh! Nataranta din ako, feeling mo ba makaka-isip pa ako ng ibang alternative na singsing?" Reklamo ko at hinawi ang hawak niya dahil hindi ko gusto.

Umirap siya ng matindi at pwersahang binigay sa akin ang nadampot niya na pinabalik ko.

"Hindi na ako magugulat kung wala kang maiisip kasi first of all, wala ka no'n. Second, wala ka talagang brain-- well mayroon ka nga sa bungo, hindi naman nagagamit." Isang hampas ang binigay ko sa kaniya at imbis na siya ang masaktan, ako ang nasaktan.

Grabe na talaga ang criticism na natatanggap ko sa mga taong ito. Hindi ko alam kung bakit sa bawat kwento ko sa mga moments namin ni Sean, lagi silang nambabara. Bitter siguro kasi walang lovelife.

"Alam niyo, ang bitter niyong dalawa. Tigilan niyo na kasi ang grindr, sumali kayo sa kaparewho baka makahanap kayo." Naagaw ng atensyon ko ang isang nude pink deep v-neck gown na may mahabang slit. Spaghetti strap siya kaya kung maharot ka, may possibility na makikitaan ka.

"Nako! Baka mas gwapo pa ako sa ipapares sa akin, no thanks nalang 'no." Umarte pa si Christie na nasusuka habang dinadampot ang red gothic gown.

"Sinong magsusuot niyan 'te, lola mo?" Sumingit si Trishia habang sinisipat ang gown na kakakuha niya, nagtinginan kaming dalawa dahil ang alam ko kasi para sa aming dalawa lang ni Trishia ang mga gown na kinukuha namin.

"Si Samantha magsusuot nito, para hindi makaharot sa party." May bitterness sa boses niya habang pinaniningkitan ako ng mata. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagdiskitahan nalang ang napili ko.

"Ay! Bongga ng palabas cleavage niyan cyst ha! Bet ko!" Kinikilig na si Trishia habang tinitignan din ang gown na hawak ko. Napangiti ako habang ini-imagine ang sarili ko suot ang gown na 'yan.

Iniisip ko kung ano magiging reaksyon ni Sean, may pagka-sensual kasi ang design niya at masyadong daring.

"Isukat mo dali!" Pinagtulakan niya ako sa loob ng fitting room at pinadala sa akin ang gown. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang utos niya.

Five minutes lang ang tinagal ko sa loob, tinitigan ko for 30 seconds ang sarili ko sa salamin. Maganda naman siya sa hubog ng katawan ko pero parang biglang umatras ang self confidence ko.

"Tapos ka na cyst? Patingin ako, huwag madamot!" Huminga ako ng malalim ang pina-plantsa ang gown ko gamit ang kamay ko. Sumilip muna ako sa kurtina bago dahan-dahan na lumabas.

Nanlaki ang mata ni Trishia at hinila ako palapit sa kaniya.

"Uhm... Yung dibdib ko..." Isa lang ang masasabi ko, ang awkward! Bakit ba ito ang nakapukaw ng atensyon ko? Agaw pansin ang dibdib ko sa damit na 'to eh!

"Oh my god! Umikot ka nga!" Sinunod ko naman ang utos niya at dahan-dahan na umikot. Pina-ikot niya ulit ako ng paulit-ulit at nahihilo na ako.

"Uto-uto naman si gaga! Ginagawa ka ng doll sa music box niyan!" Marahan niyang sinabunutan ang tumatawang si Trishia, hinampas ko naman siya at wala lang sa kaniya.

Cover Girl ng Baklang BruskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon