18: Traitor I

2.4K 91 2
                                    

Kabanata 18: Traitor I

Panibagong araw na naman para sa Obnoxious Gang. Kahapon, isang laban lang ang mero'n sila. Ngayon, mero'n silang tatlong laban.

"And now Obnoxious Gang versus hell gang," sabi ng Emcee. Napalunok pa ito ng binanggit niya ang pangalan ng Gang nila Acel. Hindi pa rin siya maka-move on sa laban ng OG kahapon.

Kagaya kahapon, isa lang ang tumaas pero ngayong naman ay si Hell Nine o si Jiro ang tumaas.

"I Hell Nine, the rank Nine of Obnoxious Gang will fight alone," ngising sabi ni Hell Nine.

Ang Hell Gang naman ay mayroong pitong miyembro kaya parang seven vs. one ang laban nila.

Mayamaya ay tumunog ang buzzer at saka sumugod ng sabay-sabay ang Hell Gang.

As sabay-sabay na parang pinalilibutan nila si Hell Nind pero malungkot mang sabihin para sa kanila, isa ito sa Training na pinagdaanan nila kaya madali lang. Sa totoo lang, tuloy-tuloy pa rin ang Training nila hanggang ngayon dahil isang taon pa lang simula nung nagsimula sila.

Naiiwasan niya lahat ng atake mapalikod mapagilid o mapaharap. Bumabawi rin siya ng suntok sa mga mukha kaya lahat ng natatamaan nito ay napapaurong sa lakas ng impact.

Puro mukha pa ang tinitira nito kaya nagdudugo ang mga mukha nila. 'Yung iba naman ay putok ang labi tapos yung iba halos hindi na mabuka ang mata sa lakas ng impact ng mga suntok ni Hell Nine.

Paanong hindi lalakas ang impact ng pagsuntok nila gamitan ba naman ng bracelet na kasing bigat ng 5 kilo habang sumusuntok. Paanong hindi lalakas ang suntok nila?

Mayamaya laking gulat ng lahat ng biglang nagsitumbahan ang Hell Gang at nangisay-ngisay.

Ngumisi naman ang buong Obnoxious Gang dahil hindi napansin ng kalaban o maging ng manonood na ang kamay ni Hell Nine ay may gloves na akala mo ay kamay niya lang ito kung hindi makikita ang butones na nasa pulsuhan ni Hell Nine.

"Punung-puno ng poison ang kamay ko pero hindi niyo napansin? Ang hina pala ng pang amoy niyo," Ngising sabi ni Hell Nine.

"Bago kayo mamatay sasabihin ko muna kung anong poison ang ginamit ko sa inyo," sabi ni poisonous demon habang tinatanggal ng maingat ang gloves nito at isinilid niya sa isang biodegradable na plastik na may seal.

"Isa itong pinaghalong kamandag ng ahas na Cobra, Viper, at Black Mamba na may katas ng nakalalasong bulaklak na Aconite matapang hindi ba? Kaya ka nitong patayin in one second pero dahil pinatakan ko ng kaunting antidote ang lasong ito matagal siyang kumalat at nadagdagan ng five minutes buhay niyo. Swerte niyo na nga eh," sabi ni Hell Nine pagkangisi nito ay naging yellow na ang buong katawan ng pitong miyembro ng Hell Gang.

"Ang hina niyo naman," pang-iinsulto niya bago bumaba ng ring kung saan katataas lang ng harang dito.

Nagpatuloy ang mga laban pero ngayon, inaabangan nila ang susunod na laban ng Obnoxious Gang. Lahat ng laban ng iba, hindi na nagpapa-aliw sa kanila. Ngayon tumaas sa 264 ang ranking nila.

"Obnoxious Gang Versus Demonic Gang!" Nag-ingay na naman ang buong manonood. Dito ang tumaas naman ay si Dark Eight o si Lester.

"Paano ba 'yan? Kami nakalaban niyo, napag-usapan ng grupo namin na sino man ang makalaban namin dapat patay," ngumiti ng nakakaloko si Dark Eight.

Biglang nainis ang Demonic Gang na may walong miyembro. Sumugod sila pero nag+counter attack din si Dark Eight gamit ang Swagger Tanaku.

Ang Swagger Tanaku ay may apat na anyo ito ay ang sword, dagger, katana  at kunai.

Ngayon ay nasa anyong sword ito at isa-isang pinuputol ang mga bahagi ng katawan ng sumusugod sa kanya.

Putol ang paa at kamay ng bawat sumusugod sa kanya. At ng matapos na siya ay pinaltan niya ang anyo nito sa dagger saka pinindot ang pampalabas ng poison.

Nagkulay red ang gilid ng dagger kaya napangisi si Dark Eight.

"Ang lasong ito ay gawa ni Hell Nine isa itong kamandag ng Black Bamba na may Aconite pero hindi katulad ng ginamit niya kanina wala itong antidote kaya mamamatay na kayo," sabi ni Dark Eight at isa-isang nilaslas ang mga leeg nito.

Mayamaya ay naging violet na ang mga balat nila.

Nasigawan ang lahat kaya bumaba na muli si Dark Eight pagkatapos maitaas ang harang. Gaya kanina, may naglinis ng mga pinatay nila.

Tumaas naman sa 210 ang rank nila ng bumaba si Dark Eight. At hintay lang ng isang oras ang OG nang tinawag muli ang pangalan ng grupo nila. Ngayon, ang kalaban na nila ay ang Bloody Hell Gang.

Ang pumasok naman sa ring ay si gamma Seven o si Nicolo. Ang huling laban nila ngayong araw. Bukas ay wala silang laban kaya may pahinga silang isang araw.

Akala mo ay walang dala pero ang daming dala nitong bomba na pangpatulog at katorse na may poison.

"Ngayon na nasa rank ko na kayo ay hindi na kayo mananalo," ngising sabi ng leader nila.

"In your dreams dude," sabi ni Gamma Seven.

"Papatayin kita!" sabi ng kasamahan ng Bloody Hell Gang leader.

"Pre ang taas ng pangarap mo hindi ko maabot. Tapusin na natin ito tinatamad na ako at gusto ko ng matulog," sabi pa ni Gamma Seven. Humikab pa siya kaya mas nainis ang mga miyembro ng kabilang kampo.

"Halika dito patutulugin kita habang buhay," sabi ng leader ng BHG (Bloody Hell Gang).

"Ang dami pang satsat," sabi niya.

Bigla siyang nawala sa harap at napunta sa likod ng mga kalaban nila isa isang kinabitan ng bomba ang likod nila ng hindi man lang nila namamalayan.

Kaya kasi nitong dumikit sa tela.

Tigdadalawa sa bawat isa saka siya bumalik sa pwesto.

"Teka wala ka namang ginawa ha!" sabi nung isa pang miyembro ng BHG

"Meron ito oh," mayamaya isa isang tumalsik ang lamang loob ng pitong miyembro ng BHG lumayo nga rin ang iba pang miyembro ng Obnoxious Gang dahil nagkalat talaga.

Nakita na lang nila na may malaking harang sa harap ni gamma death kaya wala siyang dumi sa katawan sahil sa sumabog na laman-laman ng kalaban.

Halos mandiri nga ang iba dahil halos ulo na lang ang natira at mga kalansay nito.

"I-itapon na yan," sabi ng emcee at pinalinis muna ang Death Zone. Kasabay ng pagbaba ni Gamma Seven na humihikab pa pababa.

Nalinis na rin ang nakaharang kay Gamma Seven na parang plastik at bigla itong nawala na parang sumuksok sa relo nito.

"Ang astig talaga ng protective barrier na ibinigay sa atin," sabi ni Gamma Seven.

Dahil sa laban na iyon kays tumaas ang rank nila sa 150.

"Okay we will continue the ranking tomorrow you can all leave," sabi ng emcee.

"Hay sa wakas makakatulog na rin inaantok na ako," sabi ni Gwmma Seven.

"Oo nga nakakapagod buti na lang at tapos na ako," sabi ni Dark Eight.

"Tara na" sabi naman ni Demon King o ni Acel.

Sumakay ba sila sa kanya kanyang kotse saka umuwi. Mabuti na lang at wala pa silang laban bukas kaya makakapagpahinga sila ng maayos.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon