45: mess

1.9K 39 0
                                    

ACEL'S POV

Bumaba kami sa tapat ng isang simpleng restaurant. Dito ako nagtatrabaho bago ako nakuha nitong si Klien.

Agad kaming pumasok sa loob kaya naamoy ko ang pamilyar na halimuyak ng mga pagkaing niluluto.

"Teka! Marco ikaw ba yan?" Tanong ni aling sonya. Ang may ari nitong restaurant.

"Opo ako nga po" nahihiya kong sabi.

"Jusko kang bata ka. Hindi ka naman lang nagsabi na mawawala ka ng ilang buwan. Kamusta? Pagpapatuloy mo pa ba pagtatrabaho dito?" Tanong niya

"Hindi na po aling sonya. Bumisita lang po ako. Ok na po ako ngayon dahil nasa puder na po ako ng totoo kong pamilya" ngiti kong sabi

"Totoong pamilya? Teka diba vergara ka?" Tamong niya po.

"He's a quilvick madam" singit ni klien.

"Oh may kasama ka pala. Pakilala mo naman ako. Girlfriend mo?" Tanong ni aling sonya.

"Hindi ko po siya girlfriend. Aling sonya ito nga po pala si klien floristine. Klien ito naman si aling sonya" pagpapakilala ko sa dalawa

"It's was nice to meet you madam sonya" polite na sabi ni klien at nagbow ng kaunti.

Namula naman si aling sonya. Hindi ko alam kung bakit

"Ano ka ba ihja aling sonya na lang di naman ako mayaman" nahihiyang sabi ni aling sonya.

"Kakain ba kayo? Upo na kayo marami pa namang table" sabi niya kaya sumunod kami sa kanya at umupo sa itinuro niyang lamesa.

Nagorder na kami ng pagkain at ilang sandali lang ay naiserved na kaagad ito.

Nakipagkwentuhan din sa amin si aling sonya. Si klien naman ay attentive sa pakikipagkwentuhan sa amin.

"Ma!" napatingin kami sa nagsalita. Si kuya jack pala.

"Oh anak kamusta ang paghahahanap ng trabaho?" Tanong ni aling sonya.

"Ganon pa rin po. Wala pa rin" frustrated na sabi ni kuya.

"Kuya jack kamusta?" Tanong ko.

"Oh marco ikaw pala. Ito naghahanap ng trabaho. Sino itong magandang babaeng kasama mo?" tanong ni kuya.

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon