26: New Rank One I

2.1K 77 4
                                    

Kabanata 26: New Rank One I

"Ba-Bakit Devin? bakit mo ito ginagawa? M-magulang mo kami!" Nanghihinang saad ni Liana Marquez, ang magulang ni Dice at Klien.

"I don't care if you are my parent? The question is when you act as my parents?" Seryosong saad ni Dice.

Nanggigigil si Dice sa harap ng kanyang magulang, lalo na nang sinabi niya ang katagang 'yun. Hindi naman nakapagsalita ang dalawa. Paanong hindi, puro sila trabaho at naging malupit pa sila sa kapatid ni Dice. Hindi niya talaga mapapatawad ang taong ito na nasa harapan niya.

"The guard said that they are here, is that true?" Malamig na sabi ni Althea. Wala itong emosyon, malayong-malayo sa kadalasang nakikita ni Acel na seryoso lang pero makikitaan pa rin ng emosyon. Wala ang salamin nito kaya kitang-kita ang kanyang kagandan na pilit niyang tinatago sa likod ng usual disguise niya sa School. Hinding-hindi mo matatangging siya ang kaliwang kamay ni Klien dahil sa pinalalabas niyang mapanganib na aura. Nasa dilim man siya pero ramdam siya ni Dice.

"Oo, dito ko tatapusin ang mission na ibinigay mo sa akin," sabi ko.

"Well I take the other half," isang demonyong ngisi ang biglang pumorma sa kanyang labi.

"It was nice to see you suffering Mom, Dad," nagpakita si Althea sa kanyang mga magulang. Pagkakita pa lang nila ay bigla na lang namutla si Liana at Cris. Lalo na nang tumingin sila sa mata nito. Pero agad ding napaltan ng pagkasuklam ang kanilang mga emosyon.

"T-thea," sabay na sabi ni Cris at Liana. Galit ang mga ito at kitang-kita ito ni Dice kaya mas lalo lang lumala ang kaniyang galit sa magulang.

"Yeah thats me." Biglang pumalakpak si Althea at bumukas ang ilaw ng sinner.

"Bring out the tools for execution leaf no. 5." Mayamaya lumabas ang mga robot na may dalang troll at may nakalagay na light tools.

"I take Mom and you take Dad," ngisi niyang sabi.

"'Wag kang magdalawang isip, Kuya Eshton. Hindi sila ang totoo nating magulang," lumamig muli ang emosyon ni Althea at tiningnan ng masama ang dalawa.

"Ki-nidnap nila tayo sa totoo nating magulang. Hindi tayo Marquez kaya 'wag kang mag-alangan," tumawa ng napakalakas si Althea pagkatapos niya itong sabihin.

"Dapat matagal na kitang pinatay, hayop ka!" Sigaw ni Cris na punong-puno ng galit.

"Why? Can't believe that I manage to know it? Too bad even when I was young, you don't have an ability to kill me," isang nakakainsultong tawa ang biglang narinig sa buong Torture Room. Mas nakadagdag pa ito sa lamig ng temperatura ng paligid at ang nakakatakot nitong itsura lalo na ang mga tuyong dugo sa lapag.

Hindi kaagad nakapag-react si Dice. Nang nakabawi siya, hindi niya mapigilan ang sarili.

Kaya pala, kaya pala nakaya nilang gawin ang mga bagay na 'yun sa kapatid niya. Hindi sila Marquez, hindi sila anak ni Liana at Cristopher Marquez.

"Pinalaki ka nila bilang isang Killer para magamit bilang sandata sa totoo nating magulang. Too bad, I will not let them," tumawa muli si Althea. Puro mura at sigaw ang ginawa ng dalawa sa magkapatid pero sa huli, sila ang sumuko.

Binuhos lahat ni Dice ang galit niya sa kinilalang Ama. Lahat ng pagpapahirap na ginawa nila sa kapatid. Hinding-hindi niya ito mapapatawad. Hindi man lang siya nakaramdam ng awa. Wala siyang makapa. Bagkus ay tuwang-tuwa pa ang dalawa na tila isang manyak na ginagawang laro ang pagpatay.

Brutal ang pagkakapatay ni Dice kay Cris pero mas brutal ang pagkakapatay kay Liana.

Punong-puno na sila ng dugo pero nakangiti sila na parang demonyo habang pinagmamasdan sila. Sobrang sarap sa pakiramdam nila na napatay nilang dalawa ang taong nagpahirap sa kanila. Pero may eksplanasyon pa ang kapatid niya tungkol sa sinabi nito.

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon