IKAWALONG
KABANATAKasinungalingan
Nag-iinit ang ulo ni Alpha Ryker. Pakiramdam niya'y sasabog na siya anumang oras dahil sa pinagsama-samang inis, galit at pagkalito. Wala siyang kaide-ideya sa nangyayari, at pakiramdam niya'y ang tanga-tanga niya.
"Sino si Diana?" Mas mahinanon na niyang tanong kay Lady Sekhmet.
Matapos ngang banggitin ni Lady Sekhmet ang pangalan ay nawalan na ng malay ang kanyang Luna. Ang buhok nito ay bumalik na sa orihinal nitong kulay. Hindi pa rin ito nagigising hanggang ngayon at nasa silid-aklatan sila ng pack house para makapag-usap. Sound proof kasi ito katulad ng ibang mga kwarto ngunit ito ang pinakapribado.
"Edric, pwede bang lumabas ka muna?" Hiling ni Lady Sekhmet, ngunit tiningnan lamang siya ng kanyang Beloved na para bang sinasabi nito kung nababaliw na ba siya. "Edric, lalabas ka ba o kakaladkarin kita palabas? Mamimili ka lang sa dalawa."
Naiinis na nagmartsa palabas ng silid si Lord Edric. Medyo nagulat pa siya nang makita si Thana na nakatayo sa labas ng aklatan at hinihintay siya. Labag man sa kalooban ni Thana, kailangan niyang suguruhing hindi gagawa ng kalokohan ang pinuno ng lupain ng Lamia habang naririto siya sa pack house nila.
"Sino si Diana?" Pag-uulit ni Alpha Ryker nang tuluyan nang makalabas ang isa. He wanted to know everything now.
"Alpha Ryker, pasensya ka na. Wala-"
"Sino si Diana!? Huwag mong sabihing sa aking hindi mo alam! Na wala kang dapat sabihin! You even cried earlier!"
"Oo nga. Pero ang sinasabi ko lang ay ipinagbabawal-"
"Ano bang alam mo sa ipinagbabawal!? Halos lahat naman ng ipinagbabawal ay nagawa mo na! Kaya bakit ang simpleng pagsasabi sa akin kung sino ang putres na Diana na 'yun ay hindi mo magawa?"
"Dahil hindi talaga maaari-"
"Huwag mo na akong paikutin at lokohin! Nasa lupain ka ng Versipellis, sa lupain ko! Sabihin mo sa akin ang totoo-"
"You better shut your mouth Ryker," may halong pagbabantang wika ni Lady Sekhmet. Namumula na ang kanyang mga mata at naglalabasan na ang mga ugat sa namumutla niyang mukha. "Nasa lupain man ako na pag-aari mo ay wala ka pa ring karapatang umarte na akala mo'y kailangan kitang sundin."
"Dahil iyon ang totoo-!"
"Ryker Oswald!" Saway ni Lady Sekhmet. She ignored the growl of Alpha Ryker. "Huwag mo akong artehan ng ganyan!"
Mariing itinikom ni Alpha Ryker ang kanyang bibig. Kahit na may kapangyarihan siya ay mas may kapangyarihan si Lady Sekhmet kaysa sa kanya. Hindi dahil isa siyang matandang Vampire, kundi dahil sa kung ano ba siya sa buhay ng Alpha. He knew he should respect her. But respecting others was his least priority when it came to his Luna, especially now that she was lying on their bed. Again.
Nagsasawa na si Alpha Ryker na makita ang kanyang Mate na tila isang walang buhay na nakaratay sa kanilang kama. Parang pakiramdam niya sa tuwing makikitang ganoon ang dalaga ay binabawi na ito agad mula sa kanya. He didn't like that. He would never like that.
Umupo siya sa upuan sa gilid ng kama ni Neviah matapos nilang bumalik ni Lady Sekhmet kung nasaan ito. He held her hand tightly. Parang gusto niyang magwala habang nakikita kanyang Mate sa ganitong sitwasyon, ngunit kapag napapatingin siya sa nakapikit nitong mga mata ay bumabalot sa kanya ang takot. Nanghihina ang buong katawan niya.
The Alpha of all Alphas already had his weakness.
"Ryker.." lumapit si Lady Sekhmet sa Alpha, ngunit hindi man lang ito umibo sa kanyang pwesto habang hawak pa rin ang kamay ng dalaga. "Hayaan mo akong tingnan siya."
BINABASA MO ANG
Neviah
Werewolf"Neviah," the Alpha murmured her name for the last time. Humaba na ang mga pangil nito na mabilis na ibinaon sa leeg ng dalaga. Sobrang diin at lalim na nakapagpasigaw kay Neviah dahil sa kakaibang sensasyong hatid nito. Nanlaki ang mga mata ng laha...