IKALABING-APAT NA KABANATA
Halakhak
Nabato ang lahat sa kanilang kinatatayuan. Si Deacon ay awtomatikong bumalik sa kanyang anyong tao. Hindi siya makapaniwalang makikita niya na naman ang ibang katauhan ng kanilang Luna.
"Bakit kayo tumigil?" Humalakhak ang dalaga. Naglakad siya papunta sa direksyon ng lobong si Dehlaila.
Alpha! Deacon called for his Alpha through the pack link. Si Luna Neviah!
Hindi pa man naririnig ng buo ni Alpha Ryker ang sasabihin ni Beta Deacon ay mabilis na siyang umalis sa pack house para puntahan ang kanyang Luna. Ito ang unang pagkakataong wala siya sa paglabas ng fallen angel sa katauhan ng kanyang Mate kaya natatakot siya. Na baka walang makapigil dito.
"Shift!" Utos ni Neviah sa lobong si Dehlaila.
Ganoon nga ang ginawa ni Dehlaila. Bumalik siya sa anyong tao at hindi nagdalawang-isip na harapin ang galit na fallen angel. Dehlaila's eyes were still color blue staring back at Neviah's dangerous violet.
"Suave te cognoscere est," humalakhak muli si Neviah na tila ba isang biro ang kanyang sinambit. "Isang lapastangang magtataksil sa kanyang lahi. Gagawin ang lahat para sa taong kanyang minamahal na hindi naman siya makayang tingnan kahit bilang isang babae man lang."
Dehlaila growled.
"Bakit?" Ngumisi ang fallen angel. "Nagagalit ka ba? Hindi ka dapat nagagalit sa katotohanan. Dapat sa kasinungalingan," ngumisi si Neviah. "Kasinungalingan! Magsisinungaling ka ng paulit-ulit para sa sarili mong kaligtasan."
"Anong sinasabi niya?" One of the pack members asked.
Ang lahat ay nakikinig. Nag-aabang sa sunod na magiging hakbang ng kanilang Luna. It was an honor to see a fallen angel. Sinusulit lang nila ang oportunidad.
"At the end, you'll regret everything. You'll cry blood," pagak na tumawa si Neviah. Lalong nadepina ang kulay ng kanyang mga mata. Puno ito ng galit. Malamig man ang tingin ay nagbabaga naman ang kanyang mga salita. Tila kayang patayin si Dehlaila na nasa kanyang harapan. "You'll die in the battle field. Katulad noong ika'y ipinanganak. Walang saplot at dugo ang nangingibabaw. Nararapat na kamatayan para sa isang traydor!"
"Hindi ako isang traydor!" Giit ni Dehlaila. "At kung may dapat mang mamatay dito ay ikaw-!"
"Siste! Isa kang lapastangan!" At walang kahirap-hirap na sinakal ng fallen angel si Dehlaila.
Umangat sa lupa si Dehlaila. Takot ang bumalot sa kanya. Mariin ang pagkakasakal ng Luna sa kanya. Punong-puno ng galit. She coughed loudly when she felt like she was already dying.
Binitawan niya ang si Dehlaila dahilan para marahas itong bumagsak sa lupa. Bumaba si Neviah upang maglebel ang kanilang mga mukha.
"Dehlaila.." tawag ni Neviah sa kanyang kaharap. Ang kanyang mahabang kuko ay itinapat niya sa pisngi ng babae kasabay nang pagpatak ng luha ni Dehlaila. "Why are you crying, child?"
"Walang hiya ka," puno ng galit na sambit ng umiiyak na si Dehlaila. Alam niyang nanonood ang lahat sa kanila ngayon. Alam niyang napapahiya na siya. "Sisiguruhin kong magbabayad ka ng malaki sa ginagawa mong ito sa akin!"
"Wala akong dapat bayaran sa'yo," matamis na ngumiti ang fallen angel at sinimulang igalaw ang kanyang mahabang kuko sa pisngi ni Dehlaila dahilan para mag-iwan ito ng hiwa. "You're a Werewolf, and I am a fallen angel. Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"
"Fuck you!"
"Nah, you're wrong," tumawa si Neviah at bumaon na ang kanyang kuko sa kaliwang pisngi ni Dehlaila. Humiyaw sa sakit ang nahuli. "Kahit kailan hindi maghihilom ang sugat na ibinigay ng isang fallen angel."
BINABASA MO ANG
Neviah
Werewolf"Neviah," the Alpha murmured her name for the last time. Humaba na ang mga pangil nito na mabilis na ibinaon sa leeg ng dalaga. Sobrang diin at lalim na nakapagpasigaw kay Neviah dahil sa kakaibang sensasyong hatid nito. Nanlaki ang mga mata ng laha...