IKATATLUMPUNG KABANATA
Takot
Kumunot ang noo ni Thana habang tinititigan si Lady Sekhmet na nasa kanyang harapan. Nagkita sila noong isang araw lang pero hindi naman nito nasabi ang gustong sabihin.
"Hindi ba dapat may ginagawa na kayong hakbang? Ang dapat ay inuunahan niyo na sila!"
"Hindi namin pwedeng gawin iyon.."
"Bakit? Pakibigyan ako ng malupit na dahilan ha. 'Yung tipong convincing kasi seriously hindi ko kayo maintindihang mag-ina."
"Kapag gumawa kami ng hakbang para pigilan sila, parang pinatunayan lang naming tama sila."
"Tama naman talaga sila. At sa tingin niyo ba talaga ay hindi pa naniniwala ang mga iba sa kanila?"
"Thana, kailangan naming pag-isipan-"
"Nauulit daw ang mga nangyayari," seryosong saad ni Thana. "Nadinig ko iyon kay Ryker. Hindi ako sigurado kung anong tinutukoy niya pero mukhang hindi iyon maganda."
Natahimik si Lady Sekhmet ng ilang sandali nang may matanto. Nakaramdam siya ng panlalamig ng sikmura.
"N-Nauulit nga.." halos bulong niya.
"Ano?" Tiningnan ni Thana ang kasama. Kung maputla na ito noon dahil sa pagiging bampiraa nito ay mas higit pa ngayon. Mukha itong nakakita ng multo.
"Hindi pwedeng maulit ang nangyayari, Thana! Mamamatay si Neviah.."
"Iyon na nga ang pinupunto ko, 'di ba?" Napailing si Thana. "Gumawa na kayo ng hakbang."
"We can't kill them."
"You won't. Kahit pagbantaan niyo man lang. Hindi ba isa kang Guardian?"
"Yes. Pero hindi na ako Guardian ng fallen angel. Si Ryker na ang pinoprotektahan ko, alam mo naman iyon."
"How the hell did that happen?"
"Basta," nag-iwas ng tingin ang matandang bampira sa naaalala. "Wala na akong responsibilidad sa fallen angel."
"Kapag nawala si Neviah, mawawala rin si Ryker. Mamamatay silang dalawa at ang mga pumoprotekta sa kanila."
"Alam ko," bumuntong hininga si Lady Sekhmet. Kung siya ang papipiliin ay kaya niyang mamatay para kay Neviah pero mayroon siyang Beloved. Si Lord Edric na nakadepende din ang buhay sa kanya.
Nakakatawa mang isipin pero dugtong-dugtong ang buhay nilang lahat. Nakakatakot pero nakasalalay ang mga iyon sa fallen angel. Ganoon iyon kasimple pero kumplikado.
"Nakuha mo ba ang lahat ng impormasyon na kailangan mo?" Tanong ng isang babae sa lalaking kasama niya. Aligaga siya. Ramdam niya ang tensyon sa buo niyang katawan pero pinipilit pa rin niyang umarteng normal sa kaharap. "Shocks. Kinakabahan na ako!"
"Relax," mahinang wika ng lalaki. "Magtatagumpay ang lahat ng ating plano. Kailangan lang nating sundin ito."
"Wala na akong pake sa plano," umiling-iling ang babae. "Basta. Ang protektahan si Luna Neviah ang kailangan kong gawin."
"Mamamatay ka rin ba kapag namatay siya?" Tanong ng lalaki sa kanyang Mate.
Umiling ang babae. "Hindi ko alam, pero ang alam ko ay ganoon ang sistema. Hindi ko alam kung bakit hindi ganoon ang nangyari kay Lady Sekhmet."
"Baka nga may iba pang paraan-"
"Huwag kang magsalita na parang ako lang ang gusto mong mailigtas, please."
"Natatakot ako."
"Kailangan kong gawin iyon," sabi ng babae. "Kahit isakripisyo ang buhay ko ay gagawin ko para sa Luna. Intindihin mo naman."
BINABASA MO ANG
Neviah
Werewolf"Neviah," the Alpha murmured her name for the last time. Humaba na ang mga pangil nito na mabilis na ibinaon sa leeg ng dalaga. Sobrang diin at lalim na nakapagpasigaw kay Neviah dahil sa kakaibang sensasyong hatid nito. Nanlaki ang mga mata ng laha...