IKADALAWAMPUNG KABANATA
Paghahanda
Alpha Ryker went to their room after Duke Zenith left. Iniisip niya ang sinabing impormasyon sa kanila ng bampira. Tungkol sa pinuno ng mga rebelde. May ideya mang naglalaro sa isipan ng binata ay ayaw niya iyong bigyan ng pansin. He had his trust to all his people.
Trust. Iyon ang pinangangalagaan ng kanilang lahi. Kaya nga nagkakaroon ng loyalty sa kanila. Iniisip na lamang at hinihiling ng Alpha na ang tinutukoy ng bampira ay kalahi man niya ngunit hindi niya naman nasasakupan. Maaaring galing ito sa lupain ng Angelus. Doon lamang ang maaaring panggalingan nito.
Pagpasok niya ng kanilang kwarto ay isinantabi niya na ang lahat ng naiisip. Naabutan niya ang kanyang Mate na gising na at nakatulalang nakaupo sa ibabaw ng kanilang kama. She looked so peaceful for him. Kung hindi niya lang alam na marami ring pinoproblema ang dalaga ay iisipin ng Alpha na nakatulala lamang ito at walang anumang iniisip.
"Neviah?" Nilingon agad siya ng dalaga.
Lumapit si Alpha Ryker sa kanya at mabilis na hinalikan sa pisngi niya. Ipinulupot ng binata ang kanyang braso sa likod ng baiwang nito at ang isa naman ay nasa tapat ng itaas na bahagi ng dibdib ni Neviah.
"You feeling okay?" The Alpha asked carefully. Tiningnan niyang mabuti ang kanyang Luna.
Isang beses itong tumango bago sabay na bumaba ang tingin nilang dalawa sa kanyang dibdib. Sa partikular na parte kung saan siya natamaan ng palaso.
Napabuntong-hininga si Neviah nang makitang walang anumang sugat o peklat man lang ang naroroon. Alam niya, may iba na namang umako ng sakit para sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Maingat na tanong ng Alpha.
"Sino?"
"Huh?"
"Sino ang muling umako ng sakit para sa akin?" Puno ng pagsusumamong tanong ng dalaga. "Bakit kailangang may umako ng sakit na dapat ay sa akin? Bakit kailangang kunin 'yun sa akin? Dapat lang na masaktan ako!"
"Neviah-"
"No! Hindi ko na matatanggap ang mga salitang kailangan ako ng lupain ng Versipellis. Paano ako magiging karapat-dapat sa pagiging Luna kung ang simpleng lason ay hindi ko makayanang dalhin sa katawan ko!?"
"Neviah, ang pagiging Luna ay hindi masusukat sa pagsakripisyo ng sarili mo. Mahal kita at hindi ko hahayaang isipin mong mamatay na lamang."
"Pero iyon ang nararapat!"
"Na ano? Na mamatay ka?" Hindi nakaimik ang dalaga. "Mag-isip ka nga! Kapag namatay ka, mamamatay akong kasama mo! Kaya pwede ba, huwag mo ng uulitin ang ginawa mong pagsangga sa akin. Kung ako ang natamaan noon, masasaktan rin naman tayong dalawa pero ako ang magdadala ng mas marami. Naiintindihan mo ba? Mas kaya ng katawan ko ang kahit anong sakit. Ikaw lang naman ang kahinaan ko Neviah."
"Pero Alpha.." napayuko ang batang Luna. Hindi niya malaman kung paano ipapahayag ang pinupunto niya. Tumunghay siya. "A-Ayoko ng ganitong klase ng buhay. Ayokong maging fallen angel. Ayokong maging Luna. Ayokong makita ang hinaharap. Ayokong malaman ang napakaraming katotohanan na dapat ay sikreto lamang! Ayokong maging si Neviah! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!"
"Neviah, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito-"
"Bakit!? Alam mo ba kung anong pakiramdam na mawalan ng malay dahil may umaangkin sa katawan mo? Bigla kang mapupunta sa ibang dimensyon at makikita mo doon ang dating fallen angel! Alam mo ba ang pakiramdam na nalalaman ang lahat ng bagay kahit ayaw mo naman? Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na manahimik na lang? May propesiya pa akong kinatatakutan!"
BINABASA MO ANG
Neviah
Werewolf"Neviah," the Alpha murmured her name for the last time. Humaba na ang mga pangil nito na mabilis na ibinaon sa leeg ng dalaga. Sobrang diin at lalim na nakapagpasigaw kay Neviah dahil sa kakaibang sensasyong hatid nito. Nanlaki ang mga mata ng laha...