[3] Frustration

51.2K 1.5K 68
                                    


"I now pronounce you, husband and wife."

Nagsipalakpakan ang mga naroroon nang sabihin ni Judge Moises ang mga salitang nagpapatibay sa kasal nina Emmy at Dylan.

Para namang nagising si Emmy sa isang masamang panaginip. She looked up at Dylan the same time he bent down to kiss her on the lips.

Nagulat si Emmy. The kiss was just a peck on the lips. It was fast and it lasted for just a second pero may naramdaman siya.

It was like a zap, a tingle that surged right into her very soul. Hindi pa niya naramdaman 'yun sa buong buhay niya. Napatingin siya kay Dylan. Did he feel it too?

Hindi nakatingin si Dylan sa kanya. He was smiling at the crowd of people cheering for them kaya't hindi na pinansin ni Emmy ang kanyang naramdaman.

After the handshakes from friends and relatives from both parties ay nag-umpisa na ang reception. Dylan and Emmy were seated on a separate table. Kaharap naman nila ang kanilang mga pamilya at bisita.

Sa bilis ng mga pangyayari ay tila lumulutang si Emmy. Nagbigay ng speech ang mga kapatid ni Dylan pero parang wala siyang narinig. It was like everything was so unreal. Hindi siya makapaniwal na kasal na sila. Mag-uumpisa na ang paghihiganti niya sa mga de Gracia.

"Are you okay, Emma?"

She was surprised by Dylan's masculine voice. Emma ba ang itinawag nito sa kanya?

Napatingin si Emmy kay Dylan. Nakatitig ito sa kanya.

Dylan has this boyish and handsome look. He has thick eyebrows, a straight-edged nose, thin lips and dark piercing eyes. The kind of eyes na kapag tinitigan mo ay tila ay wala kang maitatago.

"Emmy, it's Emmy." She corrected him.

He touched his tousled hair and smiled. He has a great smile. Nagtaka tuloy siya kung bakit napagkakamalan itong bakla. Hindi naman ito mukhang bakla.

"I'm sorry. I always forget. I'll just call you Emm then if that's okay," sagot nito na nakatitig pa rin sa kanya. He is wearing a gray vest over a bluish long sleeve shirt that he rolled up on his arms, a dark blue necktie and a pair of gray slacks.

Ba't ba hindi na lang Emmy ang itawag nito sa kanya?

Hindi sumagot si Emmy. Wala siyang pakialam kung anong itawag nito sa kanya.

Pagkatapos ay napatingin si Emmy sa table kung nasaan naka-assign ang mommy at dalawang kapatid niya. Tahimik lang ang mommy niya habang nakikinig sa pagkukuwento nina Shirley at Ivee. Iniisip niya tuloy kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"So, are you okay?"

Muling siyang napatingin kay Dylan nang muli niyang marinig ang boses nito. Nakasandal si Dylan sa upuan nito. He was sitting cross-legged, showing his brown leather shoes and colorful socks.

"Yes, I'm okay," sagot ni Emmy at muling napatingin sa direksyon ng pamilya niya.

"Did you like the food?"

Napabuntong-hininga si Emmy. Bakit ba ang kulit nito?

Emmy looked at her untouched food. Wala siyang ganang kumain.

"I'm not hungry," sagot niya sabay iwas sa mga mata nito. Bakit hindi nito maintindihan na ayaw niyang makipag-usap?

"Look at them. They look so happy for us, huh?" Muling sabi ni Dylan. Ang tinutukoy nito ay ang mga bisitang naroroon. Masayang nagtatawanan ang mga ito.

"Mabuti pa sila," ang sabi ni Emmy. When she realized that she said it out loud ay napahiya siya. Inakala niyang nasa isipan niya lamang 'yun.

"Bakit? Hindi ka ba masaya?" Tanong ni Dylan.

The Insensitive Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon