18

227 6 0
                                    

Vorge

Hindi ko alam na maeenjoy ko itong honeymoon na ito. Ewan ko ba pero mukhang natutuwa na akong asarin itong si Amazonang Snorlax hahaha napagkapikunin kasi pero hindi tama ito besides may kasunduan kami at si Natalie.... naputol ang pag-iisip ko ng dumating si Aishka, nagulat ako na ang dami nyang dalang pagkain.

Uuwi na tayo mamaya 'bat bumili ka pa ng pagkain for 2 days??

Aba at inisnab lang ako. Umupo sya at inalapag ang pinamiling pagkain.

What??!!! Are you not giving me a reply for that??

Tsss.. ano ka---si... si---no ba---ng may sabi sayo na for 2 days toh??

Nahihiya ba sya o nagagalit??pasigaw kasi ang pagsagot nya. Ibang klase talaga itong babaeng ito pero....

Don't tell me na.... lahat nyan ay sayo??

Hindi na sya sumagot at kumain na lamang. Ilang minuto lang ang lumipas at nangalahati na ang mga pagkain na kanyang pinamili. Napahawak ako sa noo ko.

Grabe naubos mo lahat yun??

Wala pa nga akong gana nyan eh!!!

Napahinto ako sa sasabihin ko ng makita ko syang umiiyak.

Ang unfair.....bakit??

Tumayo ako para lapitan sya at hinawakan ko ang kanyang balikat. I know na hindi madaling tanggapin na ikasal sya sa akin na kung saan ay nakatali kami sa isang fixed marriage mukhang ngayon lang ata nagsisink in sa kanya ang lahat. Naalala ko tuloy bigla nung nasa cherry blossom park sya. Magsasalita na sana ako para bigyan sya ng payo ng tumungin sya sa akin.

Bakit hindi ko man lang alam na may concert pala dito ang paborito kong banda?? Hindi na ako nakabili ng ticket at sold out na... huhuhu ang unfair... unfair talaga... bad trip huhuhu

Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang rason nya. Hayyssss.... parang bata lang.

Parang yun lang....

Nagulat ako ng tumayo ito.

Anong parang yun lang. Paborito ko yung banda yun.

Nangingilid ngilid pa ang luha nito. Napahinto sya at ako rin ng mapansin namin na malapit na ang mukha nya sa akin. Nagkatitigan kami ng minuto din ata yun. Napansin ko na tila nagblush ang pisngi nito, hindi ko alam ang gagawin ko. Tinanggal nya ang tingin sa akin at bumaling sa ibang dereksyon.

Basta unfair... ang unfair...

Lumabas ito.

Ui, teka!!! San ka pupunta?? Mag-impake ka na at mamaya ay babalik na tayo sa Pilipinas.

Hayyss... hindi nya na narinig ang sinabi ko. Pasaway!!! Kaya naman sinundan ko ito at nakita ko sya sa lobby. Nakaupo at may katabing batang lalaki. Parehas silang may nakapasak na lollipop sa bibig kaya naman lumapit na ako. Nakatayo ako sa harap nya.

Ui!!!

Kaso hindi nya ako pinapansin ni tignan man lang.

Kuya, ikaw ba ang asawa ni ate ganda?? -boy

Huh??ate ganda??

Uhhhm... ikaw pala yun -boy

Hindi ko maintindihan ang batang lalaki kasi pagkatapos nya sabihin nun ay inalis nya na ang tingin sa akin at balik sa pananahimik, nasa pitong taon na ito. Maya-maya ay may lumapit na babae mukhang ina sya nung bata.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon