34

275 6 0
                                    

Vorge Chisu's PoV

Halos tatlong buwan na rin kaming mag-asawa ni amazonang snorlax well, mukhang hindi na appropriate na tawagin ko pa sya sa ganun but anyway, biglang nagflash back sa akin nung bata pa kami tapos nung makatabi ko sya sa plane at muli naming pagkikita sa school clinic maging yung blind date namin tapos yung niligtas nya ako nung muntikan akong madali ng sasakyan hanggang nung araw ng kasal namin pati nung honeymoon. Nakakatawa lang isipin na kahit nun pala ay lagi nya na ako nililigtas. Iba din maglaro ang tadhana eh!!! Hindi ko akalain na magkukrus ang landas namin muli at nangyari pa yung sinabi ng batang Aishka sa akin na pakakasalan nya ako kahit pa aksidente lang nangyari. Hindi nya pa alam na ako ang pinangakuan nya nun. Habang nagmumuni-muni ako ay biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

Sir, natapos na po lahat nung preparation para sa opening ng new hotel-mall natin sa Tagaytay. Naupdate ko na rin tungko dun si Sec. Kim at Mr. Jaldwin Jung.

Thank you Sec. Han maaasahan ka talaga. Uhhm...wala na bang gagawin??

As of now wala na po President besides nasend ko na naman po yung whole details sa email nyo at pede nyo na lang reviewin sa bahay nyo.

That's great then Im going home na kung gayon.

Nag-aayos na ako ng gamit at tinutulungan ako ni Sec Han.

President...natutuwa po ako sa pagbabago nyo.

Huh?? Anong pagbabago??

Mas madalas na po kasi namin kayo nakikitang ngumingiti at hindi na rin kayo subsob sa trabaho at laginh excited umuwi kaya naman ang ganda ng aura nyo lagi. Mukhang dapat kami magpasalamat kay Mrs. Sunmano dahil sa maayos na pag-aalaga nya sayo hehehe

Ganun ba??

Opo. Iba siguro po talaga ang nagagawa ng nakakapangasawa hehehe

Oo nga kaya naman Sec Han maghanap ka na rin. Wag kang mag-alala may ipapakilala ako sayo.

Talaga po...naku hahaha

Actually si Aishka nagsuggest nun ngayon ko lang naalala basta magprepare ka lang. Oh!!! Sya sige Sec. Han alis na ako. Tawagan mo na lang ako.

Sige po President. Ingat po.

Salamat.

Habang naglalakad papuntang elevator ay bigla kong naalala ang sinabi ni Aishka.

*Flashback*

Kakatapos ko lang kausapin sa phone si Sec. Han habang nakain kami ng dinner sa bahay ni Aishka ay tinanong nya ako.

Matagal na bang nagtatrabaho sayo si Mr. Han??

Oo, bago pa ako naging Presidente ay nasa Moonlight company na sya as legal advisor namin then kinuha ko sya as Secretary ko. Bakit mo natanong??

Nagagalingan kasi ako sa kanya. The way he talks napagka-intelligent at lahat ng itanong mo sa kanya ay nasasagot nya. I wonder kung gaano kaproud ang asawa at anak nya sa kanya. Sayang mga ganun ang tipuhin ni Tita Beatriz.

Hahaha

Bakit ka natatawa dyan huh??

Wala pa kasing asawa't anak si Sec. Han.

Talaga?? Mabuti kung gayon iset natin sya ng date kay tita Beatriz ko para naman hindi maging matandang dalaga yung tita kong yun. Kausapin mo si Sec. Han

Susubukan ko.

Wag mong subukan. Gawin mo. Wag kang madamot dyan hayaan mo naman pumag-ibig si Sec Han hindi yung sinusubsob mo sa trabaho. Wag mo syang itulad sayo na workaholic.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon