20

206 7 0
                                    

Aishka Summer PoV

Napagdesisyunan namin ni Vorge na gawin ang best namin bilang mag-asawa kaya naman pag-aaralan ko yung mga list na binigay nya sa akin... yung kasunduan namin... yung mga bagay na ayaw nya at gusto nya... nasa akin na kasi yung isang copy. Ngayon nandito ako sa unang araw ko sa Culinary lesson ko, hayyysss... ayaw ko pa naman ng ganitong luto-luto mas guhustuhin ko pa ang classical music kahit nakakaantok kesa dito na madaming measurements at tansyahan ng lasa. Hinatid ako ni Vorge dito sa school. Ewan ko ba pero lagi nya na akong inaasar at talaga namang nakakaasar ang oppang pervert na yun.

Wala ba dyang goodbye kiss asawa ko??

Haist... ito kamao ko!!! Gusto mo?? Tsss....

Sige, ikaw rin. Hahaha sya alis na ako. Galingan mo asawa ko hahaha

Grrr...

Ayun lang naman ang ginawa nya. Nandito na ako sa classroom ko at umupo ako sa bakanteng upuan ng mapansin ko na may nakatingin sa akin kaya naman tinignan ko ang katabi kong nakatingin sa akin. Kumaway sya sa akin at nginitian nya ako.

Hi! Aishka Summer. Akalain mo, magkaklase tau. Destiny ang tawag dito.  -Stefen

Sino ka nga ulit.

Ouch!!! Hindi na ako natandaan. Stefen Albert. Remember your lost wallet??

hahaha hindi ka na mabiro of course I remember you we're friends na diba hahaha

Buti naman kung gayon. Its my first day today.

Ako din.

This will be fun kasi kasama kita hehehe

Ewan ko ba pero may pagkawirdo itong si Stefen. Nung breaktime ay mas minabuti kong sa clinic na lamang tumambay medyo namiss ko si doktor kwak kwak eh!!! Namiss kong asarin hahaha syempre walang katok katok akong pumasok sa kanyang clinic. Nakita ko syang abala sa kanyang table.

Oh! Aishka. Akalain mo nga naman... nakabalik ka na. So, kumusta naman ang honeymoon?? Nakarami naman ba si Vorge hahaha....  -Russel

Ano ba yang sinasabi mo kwak!!!

Bat ka namumula?? Siguro....

Nang biglang may kumatok. Pagbukas ng pinto ay si Stefen ang bumungad. Hayysss... stalker ba ito at sinusundan ako ng isang ito.

Pasensya na po sa istorbo. Aishka sabay na tayong maglunch.  -Stefen

Hayyss...paano mo naman ako nahanap dito??

Pinagtanong??hehehe...    -Stefen

Ahem... ahem...   -Russel

Nga pala Dr. Russel si Stefen kaklase ko sa Culinary. Stefen si Doktor kwak este Dr. Russel.

Lumapit sa akin si Russel at may binulong.

Mukhang may tama sayo ang isang yan. -Russel

Kaya naman siniko ko sya pero ngumiti lang ito ng nakakaloko kahit kelan talaga itong si kwak pang-asar. Iniabot sa akin ni Stefan ang bento.

Sabay na tayong maglunch. Ito!!! Bento binilhan kita.  -Stefen

Syempre ako pa ba makakatanggi sa pagkain?? Kaya naman kinuha ko agad yun. Mukha ngang nagspark pa ang mata ko habang kinukuha yun eh!!! Kumakain lang ako ng kumakain habang sila Russel at Stefan ay nag-uusap hindi ko na nga naiintindihan sinasabi nila dahil alam nyo naman love na love ko ang pagkain.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon