Chapter 16

29.5K 605 65
                                    

Chapter 16

(ALTHEA KIM POV)

Gabi na rin nung makauwi kami ni Maine sa bahay. Nagpupumilit na ihatid kami ni Jinho pero di ako pumayag. Nakakahiya kaya! Kahit na ba may pinagsamahan kami. Next time nalang siguro kami magbobonding na dalawa.

"Hayyy.. Pagod na pagod talaga ako Althea!" reklamo nitong si Maine habang nagtatanggal ng sapatos nya.

"Tss! Dami mong reklamo! Matulog na nga tayo!" sabi ko sakanya tapos nagtalukbong na ko ng comforter ko. Di na umimik si Maine. Tulog na siguro. Ipipikit ko na sana yung mata ko nang biglang tumunog yung phone ko. Sino naman kaya yun? Kinuha ko yung phone sa table at sinagot yung tawag ng hindi tumitingin sa caller's id.

"Hmmm?" 

[ "Sorry Althea! Nagising ba kita?" ] napabalikwas naman ako nang higa ng malaman kung sino yung tumawag.

"Y..yeol?"

[ "Ako nga! Bakit? Nagising ba kita?" ]

"Ah, hindi hindi! hehe. bakit nga pala napatawag ka?"

[ "Ahmm. ano, free ba kayo bukas ni Maine?" ]

"Hmm. Wala naman kaming gagawin. Bakit?"

[ "Pwede ba kayong pumunta bukas sa SM Building? Ipapakilala ko kayo sa iba pang kpop artist under SM Entertainment. So, Pwede ba?" ]

"Hmm. Sige. Tutal, wala naman kaming gagawin bukas. Nakaka-bored dito sa bahay."

[ "Great. So, kita nalang tayo bukas? Itetext ko nalang sayo yung address." ]

"Osige."

[ "Sige! Good night" ]

"Good night." at ibinababa ko na yung phone ko.

dug dug dug dug 

*sigh* Bakit bigla bigla nanamang tumibok yung puso ko? Sa tuwing nagkakausap kami ni Yeol, lagi nalang tumitibok. Tsk Tsk. Masama na yata 'to! Pero posible kayang.... Nako! Malabo yun! Malabong malabong mangyari yun! Atsaka hindi pwede! Hindi ko sya pwedeng mahalin. Isa syang kpop idol. Tapos ako simpleng babae lang. Kaya hindi ko sya pwedeng mahalin. Kung mangyayari man yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Pretend relationship lang kami. Wala nang iba. At alam kong matatapos  at matatapos din yung pretend relationship na yun. At pag natapos yun, maghihiwalay na kami ng landas. *sigh* Bakit ko ba iniisip yun? Kakasimula palang ng pretend relationship namin tapos iniisip ko na matatapos na.! Hayy Althea. Tumigil ka nga! Pumikit ako. Mas mabuting  itulog ko nalang 'to!

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon