Chapter 39

19.1K 433 89
                                    

  

Chapter 39

(KIM JONGIN/KAI POV)

"Hyung! Tama na yan!" pilit kong inaagaw kay Chanyeol hyung yung soju na hawak hawak nya pero hindi sya natinag. Nagpatuloy pa sya sa pagsalin nito sa baso at diretsong ininom. Nandito kami ngayon sa isang Karaoke Bar. Nagarkila sya ng isang room kaya kaming dalawa lang ang tao ngayon dito. Ako yung tinawagan nya kanina at nagayang uminom. Ewan ko ba! Sabi nya lang ay gusto nyang magpalamig ng ulo! Pero hindi naman solusyon yung pagpapalamig ng ulo yung pagiinom, hindi ba?

"Hinde! Wag mo nga akong pigilan! Hayaan mo muna ko!" sabi nya at patuloy parin sa paginom ng soju. Nako! Hindi ko lang talaga matiis to kaya pumayag ako na samahan sya ngayon. Ipinagpalit ko  pa sya sa pagaalaga ko kay Jjanggu, Monggu, at Jjangah. 

"Ano bang problema mo? Bakit ka nagiinom ngayon?" tanong ko sakanya. Pero hindi nya ko pinansin. Pinagpatuloy nya lang yung pagiinom nya. 

"Ano ngang problema? Teka, nasan ba si Althea? Alam nya ba na nagiinom ka ngayon?" hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakanila ni Althea ngayon. 

"Teka, nag away ba kayo?" tanong ko ulit sakanya pero hindi ulit sya sumagot. Great! Parang nakikipagusap lang ako sa hangin!

"Alam mo kesa sa dumaldal ka dyan, samahan mo nalang ako uminom!" nagsalin sya ng soju sa baso at iniabot sakin. Kinuha ko iyon at nagkunwaring uminom. Hindi pwedeng malasing kami pareho. Mahirap na! Baka marape kami!

Itinigil nya yung pagiinom at tumingin lang sa table. Hindi sya kumukurap. Mukhang tulala. Malalim yung iniisip. Napabuntong hininga nalang ako. Mukha nga syang may problema.

"Ano ba kasing nangyare? Nagbreak ba kayo ni Althea?" dahan dahan syang tumingin sakin. At yung tingin nya ay napaltan ng masasamang tingin. Napalunok ako.

"HINDI! AT KAHIT KELAN HINDI KAMI MAGBEBREAK NI ALTHEA! ARASSO?" biglang sigaw nya. Buti nalang sound proof yung mga room dito kung hindi, baka paalisin kami dito!

"O-Oo na. A-ano ba kasing nangyari sa inyo? Huh? Bakit ka nagiinom ngayon?" bumuntong hininga sya at tumingin ulit sakin. Nagsimula na syang magkwento kung ano yung nangyari sakanila ni Althea.

"Alam mo naman na may kumakalat na news tungkol sa amin ni Ally, diba?" tanong nya sakin. Tumango naman ako.

"Edi nagpatawag ako ng press conference kanina. Kasama ko si Althea nun tapos.." ipinagpatuloy nya yung pagkukwento nya sakin. Tango lang ako ng tango sakanya.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon