Chapter 60

15.7K 505 64
                                    

Chapter 60 (Last Chapter)

(ALTHEA KIM POV)

"Y-Yeol" ang bilis bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin ako sakanya ngayon. Marami.. Sobrang dami ng nagbago sakanya. Pero yung nararamdaman nya kaya sakin, nagbago rin? Kasi ako, hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko para sakanya. Mahal ko parin sya hanggang ngayon. 

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para bang napako na ako sa kinauupuan ko ngayon at pakiramdam ko ay hindi na ako makakaalis doon. Titig na titig pa rin sya sakin. Nalulusaw na ako sa mga titig nyang iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko. I don't know what's got into me pero tumakbo ako papalayo doon. I ran away in that place. Naririnig ko na tinatawag ni Maine ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Tumakbo lang ako ng tumakbo at hinayaan ang mga paa ko na dalhin ako sa gusto nyang puntahan.

Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo papalabas sa concert venue na iyon. Para kasing pakiramdam ko hindi na ako makahinga kanina. Nung nagkita ulit kami after 4 years, bigla bang sumikip yung dibdib ko. I don't even know why. I know I should be happy kasi pagkalipas ng apat na taon, nakita  ko ulit sya. Pero ewan ko ba! Parang hindi pa ako ready na harapin sya ulit. Hindi pa ako handa. 

Tumakbo ako ng tumakbo. Huminto lang ako nang makaramdam ako ng pagod. Umupo ako doon sa tabing daan at tumingin lang sa daan. Hindi ko alam kung nasaang lugar na ako ngayon. Walang dumadaang mga sasakyan dito. Kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang phone ko. Pero sht! Doon ko lang naalala na hindi ko nga pala nadala yung phone ko dahil sa kamamadali ni Maine kanina. Naiwan yun sa bahay na naka charge. Asar naman oh! 

Nanatili lang akong nakaupo doon sa may tabi ng poste ng maramdaman kong may pumapatak. Tumingin ako sa taas at napagtanto ko na umuulan pala! Sht! Humanap ako ng masisilungan pero wala akong makita! Basang basa na ako ngayon! Damn! Wala akong ginawa kundi umupo nalang ulit doon sa may tabi ng poste at pinagmasdan yung mga patak ng ulan.

Natigil lang ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong huminto na ang ulan. Hindi na kasi ako nababasa eh. Pero nung tumingin ako sa kabilang kalsada ay pumapatak pa rin ang ulan. Luhh? Tumingala ako at doon ko lang narealize na meron palang nagpapayong sakin. Dali dali akong tumayo para tignan kung sino ang nagpapayong sakin. Ganon nalang kabilis ang tibok ng puso ko ng malaman kung sino yung taong iyon.

"Y-Yeol..." iyon nalang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon sa harapan ko. Paano sya napunta dito? P-Paano yung concert nila? Natigil ang pagiisip ko ng biglang mag flashed yung memories nung nakaraan. Ganito. Ganitong ganito din ang nangyari nun. Yung unang pagkikita namin ni Yeol. Kaparehas na kaparehas ng nangyayari ngayon.

Naramdaman kong hinawakan ni Yeol angg pisngi ko. Tumingin ako sakanya. 

"I miss you. Bakit ka umalis doon?" he asked habang nakahawak parin sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya kaya tinungo ko nalang ang ulo ko.

Dating Park Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now