✿❀ one: bestfriend

400 13 19
                                    

KITH

Pinilit kong pigilan ang mga mata ko sa pagsara. Nakakainip kasing makinig sa discussion ni Ma'am. Kahit sikapin ko man na makinig, wala pa rin akong maiintindihan.

Ayaw ko namang patayin ang sarili ko gamit ang mga equation na nasa whiteboard kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong matulog.

Ipinatong ko ang ulo ko sa desk. Tiyak kong hindi ako mahuhuli ni Ma'am Magsaysay. Nasa likurang bahagi ako ng classroom at ito ang blind spot ni Ma'am. Kahit na mag-cellphone ako rito, hindi niya ako mapapansin.

Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng mga talukap ko. Marahang lumabo ang paningin ko hanggang sa ang kadiliman nalang ang nakita ko.

Hindi naman ako 'yong tipong madalas tulog sa klase. May mga panahon lang talagang nakakatulog ako kasi minsan, napupuyat ako sa kaka-computer. Hindi niyo naman masisisi ang passion ko sa pagra-rant.

Happiness in peace, you say? Well, I usually find my happiness in discord. Call me weird pero 'yon ang totoo.

Nasarapan na sana ako sa pagkahimbing ko nang may umepal na sundot sa tagiliran ko. "Holy kangkong!" agad akong napasigaw. Hindi man ako masyadong makita ni Ma'am, naririnig niya naman ako.

"Is there anything wrong, Miss Maldivia?" tanong ni Ma'am sa'kin. Titig na titig sa'kin ang mga kaklase ko.

"W-Wala po," mautal kong tugon sa kanya. Itinaas niya ang kanyang kanang kilay at nakapinta sa buong mukha niya ang pagtataka. Para akong pinagpawisan ng yelo sa ginawa niya. Terror kasi 'yang si Ma'am, e. Kung maaari, huwag na huwag siyang babanggain kasi kapag binangga mo siya, parang pumirma ka na rin ng death contract mo.

"Okay. Now, let's go back to our lesson," parang nabunutan naman ng tinik ang puso ko sa sinabi niya. Sa pagbalik ni Ma'am sa pagtatalakay niya, nilingon ko ang demonyitong sumundot sa tagiliran ko.

"Ano bang problema mo, Drew?" singhal ko sa kanya. Nagtagpo ang mga kilay ko nang ngumisi lang siya.

"Pabibo ka rin, 'no? Aba't sumagot ka nga," dagdag ko. Inipod niya ang upuan niya ng ilang pulgada palapit sa'kin.

"Kith, 'di ba may utang ka pa sa'kin?" bulong niya. Ako? May utang sa kanya? Kailan pa?

"Kapal mong hayop ka. Never pa 'kong nagkautang sa'yo, 'no. Ano ba kasing kailangan mo?" pagtataray ko. Napakamot lang siya sa ulo niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan.

"E, ano kasi. Kilala mo ba si Ria?" Ria? Iisang Ria lang naman ang kilala ko. Ria Romaldez, ang kampon ni Satanas na cheerleader at nagpaligo sa'kin ng Coke noong first year. Yes, folks! Bully siya.

Randam ko pa rin ang lamig ng Coke hanggang ngayon.

"Ria? 'Yong cheerleader?" I suddenly felt nervous. When Drew asks me about a girl, iisang bagay lang ang ibig sabihin niyan; he likes her. Sa kaloob-looban ko, pinagdarasal ko na sana mali ako ng iniisip, na sana hindi si Ria na nam-bully sa'kin ang gusto ni Drew.

"Oo. A, I sort of like her," I knew it! Jusko! Not that bitch! I've had enough Coke bath already.

"And you want me to help you court her?" Knowing Drew for years, kapag may nagugustuhan siya, he will always grab the chance to court her. As his bestfriend, ako ang laging takbuhan niya for help. Malas nga naman.

"Bestfriend nga talaga kita. We're on the same page!" he exclaimed pero agad kong tinakpan ang bunganga niya.

"Shh! Mapapagalitan tayo nito, e!" napatawa lang siya kaya tinitigan ko siya ng masama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the girl he never noticed ✿❀ vsooWhere stories live. Discover now