013 // sam's

2.5K 135 46
                                    

kim samantha's 

"Argh." Sabi ko habang ni-nguodnguod ko mukha ko sa notebook ko sa pre-cal. Taeng quiz 'yan. Kahit short quiz 'yun, long na rin para sa akin. Kainis.

"Magstastart na tayo ng quiz in 5 minutes." Sabi ni Sir kaya napa-'aw' ang lahat. Nagreview na ako pero feeling ko kulang pa. 

"Okay, tapos na 5 minutes. Bring out 1 whole yellow paper and a ballpen. Itago niyo na notes niyo. Saksakin ko notebook niyo sa inyo kapag nakita ko pa sa desk niyo 'yan." Paikot-ikot na naglalakad si Sir sa klase. 

-

Woooh! Tapos na rin ako, nakaraos din ako. Ipapasa ko na. Tumayo na ako sa upuan at lumapit sa table ni Sir at inabot ang papel, kinuha niya naman 'yun at bumalik na ako sa upuan ko. Nagpasa na rin ang iba kong kaklase. 

Napatingin ako kay Daniel na busy magsagot. Nasa halos na dulo siya ng row habang ako nasa pangalawang row, ang layo, diba? Huhu jk. Natapos na rin si Daniel kaya tumayo na rin siya at nagpasa ng papel.

May kumatok naman na mga tao sa pinto namin, "Sir, excuse me po. Kami po ang pipili ng constestants para sa pageant." Pinapasok naman sila ni Sir at nagintroduce. Ah, si Jonghyun at Naomi pala 'to. 

Tumingin-tingin sa paligid si Naomi 'tila ba may hinahanap, "Ah, Kim Samantha!" 

"Huh, ako?" Turo ko sa sarili ko, "Ano meron? Bakit? Para saan?" Sunod-sunod kong tanong ko sa kanya.

"Ikaw reprensentative ng klase niyo para sa pageant." Sagot naman ni Naomi at nagsulat siya dun sa notebook na dala-dala niya. Tapos si Jonghyun naman, kausap si Sir. 

"WHAT?!" 

"And, partner mo si," Tumingin ulit si Naomi sa paligid, "Ah, Kang Daniel."

WAIT WHAT-

"Lumabas kayong dalawa, magpipicture kayong dalawa. Para may ipakita kami sa adviser ng event," Sabi ni Jonghyun, "Nand'yan si Yongguk. May dalang camera. Siya magpipicture sa inyo." 

Napatingin ako kay Daniel at ayun nga, tumayo nga talaga siya. Ibigsabihin, sasali talaga siya. Omg. Kaya tumayo na rin ako at lumabas. 

"Aba, paano ko kayo mapipicturan?! Magkalayo kayo. Maglapit nga kayo sa isa't isa, para namang ewan eh." Saway ni Yongguk sa amin. Para tuloy kami magkagalit. 

Ngumiti naman kami at sakto nagflash 'yung camera. 

"Oh, ayos na 'yan. Inform na lang namin kayo kung kailan practice." Sabi ni Naomi.

Parehas kami tumango ni Daniel. 

"Swerte mo naman, partner mo ang isang Kang Daniel. Sure win na tayo." 

Napatingin ako sa kanya at sinabing, 

"Pucha, ang kapal mo?" 

prank | danielWhere stories live. Discover now