037 // sam's

1.9K 116 10
                                    

kim samantha's

"Tigilan mo ako, Eunwoo." Seryosong sabi ko sa kanya. Ginagalaw ba naman kasi 'yung ballpen ko habang nagsusulat.

Tapos pinagpatuloy ko ulit 'yung pagsusulat ko nang bigla niya ulit galawin, "GAGU ISASAKSAK KO SAYO 'TO. SIGE KA." Tinapat ko pa sa mukha niya 'yung ballpen. Bigla kasi tumabi sa akin kanina pa!

Nagtinginan 'yung iba naming kaklase sa amin, "ayieee." Asar naman nung iba. Buti na lang talaga, wala paki sa ingay namin 'yung teacher namin na busy magsulat sa board.

"Sam, pansinin mo kasi ako." Sambit ni Eunwoo. Tinigil ko naman 'yung pagsusulat ako at padabog na nilapag 'yung ballpen sa desk ko tsaka ko siya tinignan. Pero nakipagtitigan lang naman si Eunwoo.

"Wala kang magawa sa buhay mo no?!" Sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya lang ako.

Natapos na 'yung klase, hays salamat. Nang makalabas ako ng classroom aya agad may humila ng kamay ko at tinakbo ako palabas. Hanggang sa makalabas na kami ng campus.

"Eunwoo?!"

"Ice cream tayo! May alam ako na pwede pagkainan." Yaya ni Eunwoo.

May gagawin pa ba ako? Wala naman ako nakalimutan gawin diba?

"K." Tumango na lang ako. At ayun nga, sinundan ko lang kung saan pupunta si Eunwoo.

Napadpad kami dun sa ice cream store na malapit lang pala sa school. Ang cute! Pastel colors ang theme ng store!

"Tara, cookies and cream, diba?" Tanong ni Eunwoo. 'Di niya pa rin nakakalimutan 'yung fave flavor ko.

Umorder na si Eunwoo at nang matapos ay inabot niya sa akin 'yung ice cream. Yay.

Nagbus kami pauwi ni Eunwoo tapos naglakad kami papuntang village kung saan ako nakatira. Sumama siya sa akin kasi sabi niya ihahatid niya raw ako.

Kinuha ko 'yung cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan ito. Binuksan ko rin 'yung data at,

Kang Daniel sent you a message.
Kang Daniel sent you a message.
Kang Daniel sent you a message.
Kang Daniel sent you a message.
Kang Daniel sent you a message.
2 hours ago.

Taena, sabi na may nakalimutan ako!

prank | danielWhere stories live. Discover now