063 // sam's

1.7K 101 25
                                    

kim samantha's

Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa sinabi sa akin ni Daniel sa chat. Totoo ba 'yun? Or baka joke lang. Baka prank nga lang! Hala, kinarma na ako! Okay, 'di na ako magpraprank. Sorry po, sorry po.

"Samantha, nak. Nandiyan na si Eunwoo. Lumabas ka na diyan." Sabi ni Mom mula sa labas ng kwarto ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba at ayun nga, nakatayo sa may pintuan si Eunwoo at nakangiti.

"Bye, alis na akoooo!" Sigaw ko.

"Sige, 'wag ka na bumalik." Sambit ni Samuel habang hawak-hawak niya 'yung phone niya at nakaupo sa may sofa. Wow, sitting pretty.

"Tara na." Sabi ni Eunwoo.

Nakapark naman 'yung dala niyang kotse sa harap ng bahay namin at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse tsaka ako sumakay.

"Umm, saan tayo?" Awkward na tanong ko.

"Kung saan gusto mo." Sabi ni Eunwoo, nakangiti siya pero nakatingin syempre sa daanan.

"Ah talaga? Wala akong alam na pwede na puntahan, hehe."

"Ay, may bagong bukas na restaurant sa may mall na malapit sa school." Tumango na lang ako sa sinaggest niya.

Nakarating kami sa restaurant na sinasabi niya.

Sinamahan kami ng waiter papunta sa isang bakanteng pwesto.

"Mom, do you remember Daniel?" Narinig ko mula sa likod namin. Ang familiar ng boses.

"Ah, yes, of course."

"Daniel, I know that you made a promise to our daughter nung mga bata pa kayo and you said that you'll marry her at the right time." Napalingon ako, at nakita ko nga si Daniel pati si Debie. Pero ano, marry what? Sabi na, prank lang sa akin ni Daniel 'yun. Kinarma na nga ako.

"Pinagplaplanuhan agad namin 'yung kasal niyo." Sabi naman ng tatay ata ni Debie 'yun?

"Eunwoo, alis na tayo rito."

"Ha, bakit?"

"'Di ko trip pagkain dito."

"Okay." Ang nasabi niya na lang.

Tumayo na kami ni Eunwoo at hinakawan ko 'yung kamay niya para makalabas agad.

"Sam, wait!"

Boses ni Daniel. Nararamdaman ko na hinahabol niya kami hanggang sa makalabas kami sa restaurant.

~~

ang pangit aaaAaaaaAaA bye

prank | danielWhere stories live. Discover now