067 // dan's

1.6K 96 13
                                    

kang daniel's

"Sure ka? Sasabihin mo na talaga kay Debie 'yung totoo?" Sabi ni Jisung hyung. Sabay kami papasok ngayon sa school. Nakasakay kami sa bus ngayon.

"Oo, kaysa sa nahihirapan naman ako. Tsaka, kailangan niya na malaman na wala na talaga 'yung totoong Dan niya." Paliwanag ko.

"Sabagay." Tumango-tango si Jisung hyung.

Tumigil 'yung bus dun sa may bus stop na nasa harap lang ng school. Bumaba na kami ni Jisung hyung.

"Uy, si Sammy, oh." Turo ni Jisung hyung kay Sam na naglalakad papasok sa gate.

"Sammy, hoy!" Tawag ni Jisung hyung. Lumingon sa direksyon namin ni hyung si Sammy.

Lumapit si Sammy sa amin. Tinignan ko lang siya.

"Bakit? Ano nanaman ba, Jisung?" Halatang bagong gising si Sammy at medyo iritado pa.

Natawa naman si Jisung hyung, "Wala lang! Hi lang naman."

Hindi siya makatingin sa akin.

Tinignan ng masama ni Sammy si Jisung hyung at umalis.

"Ay, Daniel. May number ako ni Sammy." Sabi ni Jisung hyung. Kumuha siya ng papel at ballpen sa bag niya at nagsulat. Inabot niya sa akin 'yung papel.

09*********

Ang familiar ng number na 'to? Teka, 'di ko maisip—

"Dan!" Tumatakbo si Debie papalapit sa akin.

"Ano na 'yung sasabihin mo?"

Dinala ko siya sa oval na may soccer field at buti na lang walang masyadong tao.

Nakangiti pa sa akin si Debie pero ako seryoso ako ngayon.

"Debie, 'wag kang magugulat. Sasabihin ko na sayo ang totoo."

"Anong totoo?" Nagtatakang tanong ni Debie.

"Hindi ako 'yung Dan na kilala mo. Hindi ako 'yung childhood best friend mo, Debie."

"What do you mean?"

"Kambal ko ang Dan na kilala mo. Siya ang best friend mo, Debie. Hindi ako."

"WHAT?!" Halatang namang 'di makapaniwala si Debie sa sinabi ko.

"Si Kang Danmiel 'yun. And," Huminga ako ng malalim, "And, patay na siya."

Papaiyak na si Debie kaya niyakap ko muna siya.

"I'm sorry, Debie."

Saktong namang dumaan si Sammy na kasama si Eunwoo at nagtatawanan. Napatingin sa akin si Sammy habang yakap ko si Debie pero mabilis siya umiwas ng tingin.

Mukhang wala na ata talaga akong pag-asa.

Nung mag-uwian na, dinala ko si Debie sa puntod ng kambal ko.

"Bakit namatay si Dan?" Tanong ni Debie.

"Cancer."

"Thanks for telling me the truth, Daniel. Kaya pala naninibago ako sayo." Ngumiti si Debie sa akin at ningitian ko siya pabalik.

"Malapit na ang pageant, ah?" Sambit ni Debie.

"Yeah." Tumango ako.

"Support ko kayo ni Sam!"

"Thanks, Debie."

prank | danielWhere stories live. Discover now