Chapter Four

413 15 4
                                    

#JTO4 Chapter 4



It's already 4 in the morning and I'm still awake while Evo on the other hand is already sleeping soundlessly while his hand is resting on my bare stomach. I can't help but to stare at his sleeping face. Namiss ko 'to and without seeing his face in 2 months already felt eternity. At sa loob lamang ng dalawang buwan ay nakita ko na agad ang mga pagbabago sakanya. His hair is longer than his usual haircut then he has mustache na. Hindi man makapal pero visible na rin. And never in my entire life na nakita kong nagpatubo siya ng ganyan dahil araw-araw siyang nag-aahit. To be honest, it suits him. Mas naging manly and masculine naman na siya tignan pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Halata na rin kasi sa itsura niya ang pagod. Parang hindi na siya nakakatulog ng walong oras sa isang araw dahil naging visible na rin ang eyebags niya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa pagpapabaya niya sa sarili pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong may kasalanan din ako or that's what I assume.



Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko pero hindi ko na muna pinunasan. I let myself cry pero sinigurado kong hindi siya magigising. I don't want to wake him up dahil dito malaya ko siyang natititigan at walang alinlangan. Hindi niya ko mahuhuling pinagmamasadan siya. Napangiti naman ako nang mapait dahil pakiramdam ko lahat ng ginagawa o gagawin ko ay isa ng krimen. Wala na kong karapatan sakanya.



I sighed as I softly trace his forehead using my index finger, careful not to wake him up. I moved down to his eyebrows, eyes, and nose and down to his lips.



"I missed you everyday, babe." I mumbled.



When I first met Evo, we became friends' instantly dahil kay Rafael. It was after I graduated in Medschool. Bukod doon, hindi rin naman siya mahirap pakisamahan. He's fun to be with na kahit ang tagal niyo ng magkasama hindi ka mabobored o mauubusan ng energy. Palagi ko rin siyang nakikitang nakangiti. He's friendly, it is almost as if he's a ladies' man. Halos lahat kakilala niya. Napagkamalan pa ngang playboy siya pero ang totoo naman sadyang palakaibigan lang siya and gentleman.



Eto ang isa sa mga bagay na namiss ko at siguradong mamimiss ko pa rin. Ang maabutan siyang tulog then I'll order breakfast kasi hindi naman ako marunong magluto then after that I'll wake him up and eat breakfast at his balcony then ihahatid niya ako hospital na pinapasukan ko bago siya pumasok ng trabaho niya. Simple things but means everything.



I softly planted a kiss on his face and I also took a lot of pictures of him habang tulog pa siya. Napatigil nalang ako sa ginagawa nang makita kong alas singko na.



Sinadya ko talang hindi matulog para makapaghanda ako ng breakfast niya dahil kapag natulog ako alam kong mauuna pa siyang magigising lalo pa't ramdam ko na ang pagod at antok. So, if this is really our goodbye, every second should be worth remembering.



I looked at myself at the full-length mirror pagtayo. Last night was amazing at hindi ko maiwasan mapangiti while touching his marks all over my body. It really happened—again.



Sa ngayon, ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano. I want to rest kahit saglit lang. Also, ayoko na rin munang umasa. Kaya napagdesisyunan ko munang bigyan siyang space because being around him is also forcing him to decide. Baka mapilitan lang siya dahil lang sa naaawa siya sakin. And that's the last thing I want from him.



Madali kong sinuot ang suot ko kahapon bago nagpunta sa kusina niya. Ipaghahanda ko lang siya ng almusal then I'll leave. Pero ng buksan ko ang refrigerator niya puro beer ang laman. Ito na ba ang ginagawa niya? Ibinaling ko nalang ang tingin sa iba pang laman ng ref pero tanging ham and eggs na parehong paubos na. Wala manlang prutas o juice. Sinubukan ko naman ang cupboard niya pero wala na ring mga laman maliban sa dalawa pang cup noodles.



Balak ko muna sanang mamili ng makakain niya pero malakas pa ang ulan at sarado pa rin ang mga supermarket. Pwede sana sa wet market pero kakapusin na ako sa oras. Baka maabutan niya lang ako.



Dahil hindi naman din talaga ako marunong magluto ay nag-research nalang ako sa Google kung anong technique para makapagfried ng ham and eggs. Napakasimple pero hirap kong lutuin. At sa dami ata ng kayang kong gawin, dito pa talaga ako bumabagsak. Napangiwi nalang ako ng makita ko ang kinalabasan. Hindi naging kaaya-aya ang nagawa ko. So I ended up ordering again his breakfast then left after putting it on the side table.



**



"Good Morning, Ms. Saavedra. Conference room is now ready. The meeting will start after an hour." Salubong ng secretary ni mommy pagdating ko sa opisina.



I did my routine as fast as I could para lang maiwasan si Evo. Hindi na nga ako natulog. I don't want to take any chances na magkita kami pagkatapos ng ginawa kong pang-iiwan ulit sa unit niya. And at the moment hindi siya ang priority ko dahil kung sasali pa siya ay hindi ko na alam mangyayari sa 'kin. Kasi ngayon palang, naghahalo na lahat sa isip ko. Hindi ko nga alam ang gagawin ko mamaya. At hindi ko alam kung makakapagisip pa ako ng tama dahil wala pa 'kong tulog.



"Anne, dumating na ba si Rafael—'yong pinsan ko?" I asked hoping na nandito na nga dahil alam kong kahit papano matutulungan niya ako.

"Wala pa po, Ma'am."

I sighed. "What about Greg Garcia?" Umiling naman siya.

"Wala pa po, Ma'am. Ang tanging nandito palang ay ang secretary niya at ang dalawa sa board members. Mrs. Angles and Mr. Monteverde."

Nagulat ako. "Benjamin Monteverde?" She nodded again.



Fuck.



Tito Benj is here, Evo's father! Sa galit ko kahapon hindi na ako nakapag-isip. Hindi ko na naisip ang mga makakaharap ko until she mentioned Tito Benj.



"Ah, Anne. Wala ka munang pagsasabihan na nandito na ako. At kung meron man gustong pumasok, wala kang papapasukin kahit sino."

"Yes, Ma'am. Anything else po?"

"Coffee nalang."



Shit! I'm so fucked up right now. Hindi ko alam ang gagawin ko.



As much as I wanted to cancel the meeting ay hindi ko na magagawa. It's already too late and immature.



Habang naghihintay ng oras ay ginawa ko nalang ang dapat ko sanang gagawin kahapon. Sinubukan ko ng maghanap ng kahit anong impormasyon na makakatulong sa paghahanap kay mommy or kahit sa mga huling activities niya. Pero ilang minuto na akong naghahanap ay wala akong nakita. Malinis ang opisina niya. Tinawagan ko ulit si Anne para magtanong ng records ng mga huling ginawa ng mommy ko dito pero wala na raw sakanya.



"Paanong wala na sayo? You're her secretary."

"Yes, ma'am. Pero kinuha po lahat ni Mrs. Garcia bago umalis."

"But it's your own planner diba? Tapos kinuha ni Mommy?"

"Opo. Hindi ko rin po alam kung bakit dahil hindi ko naman na po tinanong."



Paglabas niya ulit I immediately dialed my private investigator's number para makibalita. Pero hanggang ngayon ay ganoon at ganoon pa rin ang sinasabi niya. Idagdag mo na na wala akong naibigay na kahit anong impormasyon. Still no clues about her whereabouts o kung saan man siya huling nakita. Hindi rin ako maniniwalang wala na siya hangga't hindi ko nakikita ng harapan.

Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon