Chapter Eight

324 12 4
                                    

#JTO8 Chapter 8



"Someone's decided to go home," Bungad ni Greg pagpasok ko ng mansion.



Kakagaling ko lang sa opisina at ito agad ang sumalubong sakin. Tinignan ko siya ng mariin. Hindi makapaniwalang nandito siya sa harap ko. Sa mansion!



Yes, I'm not staying here as of the moment pero hindi ko manlang naisip na pwedeng nandito lang siya. I thought after what happened ay aalis na siya dito at magpapakalayo-layo.



"What are you still doing here?" Naiinis kong tanong.

"Let me guess, I am not also allowed here." He said then smirked. "Well, I'm sorry to break this to you but I'm not leaving my house, Nathalie."

"MY. HOUSE?" I scoffed. "You're a crazy man. This is not yours, it's my mothers'! At kahit kelan hindi ito magiging sayo."

"There's no reason for me to leave, my stepdaughter. Wala akong kasalanan at isa pa nakalimot ka na ba after your little escapade?..." He paused. "Your mom and I are married, meaning this is also mine. Lahat ng sayo ay akin na rin. Even the company."

"Fuck you, Gregory! Don't you dare call me your stepdaughter! Nakakadiri at lalong walang sayo. After what you did to Mom may lakas ka pa ng loob manatili dito?"

"Suit yourself, Ali. But in everyone's eyes, I'm your stepfather and that makes you my daughter I mean stepdaughter." He said smirking.

I ignored his remark. "You have to leave this house as soon as possible. Otherwise, I'm calling the police." I threatened.

Kumunot ang noo niya. "What?"

"You heard me, Greg. You're leaving today. I can't stay here with you around, especially what you did to Mom."



Naglakad siya palapit sakin.



"You ungrateful child!!" Sigaw niya. Mabilis siyang nakalapit sakin at mariin na hinawakan ang panga ko.

"LET ME GO!" Sigaw ko dahilan para magsilabasan ang mga kasambahay even nanay Sol. Naririnig ko pa ang pagpipigil niya kay Greg pero walang nagtangkang lumapit sa amin. Ni hindi rin siya pinakinggan ng taong 'to.

"Tingin mo ba mapapalagpas ko ang ginawa mong pamamahiya sakin sa opisina? You did a wrong move kid!" Sigaw niya ulit at dahil sa lapit niya ramdam ko ang laway niya sa mukha ko.

"YOU DESERVED IT!" Sigaw ko nanaman, with that nakatanggap na ako ng isang malakas na sampal.



Looking through his eyes, I can see how angry he is. I wanted to cry because of the pain he's causing me, physically and emotionally. But not in front of this crazy man.



I'll try to tolerate it. Hinding-hindi ko ipapakitang nasasaktan ako, because if that happens, panalo na agad siya.



"You just proved to me na ikaw ang may kagagawan sa nangyari kay mommy." Sabi ko. Mas dumiin naman ang pagkakahawak niya sa panga ko. And it hurt bigtime but I did not flinch.



I should be proud of myself, dahil kahit sobrang nasasaktan na ko nakikita ko naman sa mga mata niya ang inis at galit. Patunay lang na naaapektuhan siya.



"You don't have evidence, Nathalie! Walang maniniwala sayo lalo pa't ikaw mismo ang nang-iwan sa mommy mo. They will think na gawa-gawa mo lang yan dahil sa galit mo, right?... Now, sinong magmumukhang kapani-paniwala sating dalawa, especially most of the senior board members are on my side? In no time, I'm getting my position back." Hindi ako sumagot. He pushed me with all his strength kaya tumama ako sa dingding.

Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon