Chapter Five

458 21 7
                                    

#JTO5 Chapter 5



Naging late ako sa meeting dahil sa pakikipagusap ko sa investigator, hindi ko na namalayan ang oras. Ako nalang daw ang hinihintay sabi ni Anne kaya nagmadali na akong pumunta sa conference room. Hinanap ng mata ko agad si Rafael pero hindi siya ang unang nakita ko. Si Tito Benj then followed by Evo. Fuck. What is he doing here? Hindi dapat siya nandito dahil exclusive 'to sa board members at nandito naman si Tito Benj to represent himself.



"Ma'am, we need to start na po." Bulong ni Anne sa likod ko.



Madali kong iniwas ang tingin ko sa mag-ama. Hindi ito ang oras para isipin ang personal na problema.



I was about to introduce myself pero nagsalita na agad si Greg.



"You're the one who called for a meeting and yet you're the one who's late, Nathalie. That's not a good start." Greg.



Fuck you!



Sasagutin ko sana siya pero naramdaman kong may humila sa 'kin. Pagtingin ko si Rafael.



Umiling siya. "Not here, Nathalie." Bulong niya. I sighed before nodding.



Makalipas ang ilang sandali, Rafael started it, representing his dad, Tito Lorenzo. I shifted uncomfortably on my seat when they started talking about Mom. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala sa nangyari but of course the great Greg fucking Garcia acted like  he's really suffering.



Hindi ko na hinayaan ang emotions kong pangunahan o kontrolin ako tulad ng nangyari kahapon. That's the last thing I need to do, lalo pa't kailangan kong kunin ang suporta ng mga tao dito.



"So, who do you suggest to manage this firm? Of course, aside from me. I know I can handle this company but I want to hear all your sides. And besides, this is the purpose of this meeting. Right, Nathalie?" He sarcastically asked.



Umiwas na ako ng tingin. Mas lalko lang akong nagagalit kapag nakikita ko siya.



"In my opinion, Nathalie would be the perfect choice because she's Luisa's daughter. She's already in her right age. And we all know she's the heiress of this company." Sabi ni Mr. De Vera. Sinubukan kong ngumiti sa matanda bilang pasasalamat and he just nod.

Nang i-ikot ko ang tingin, ang ilang board members ay tumatango-tango habang ang iba naman ay wala pang imik.



Sandali naman akong napatingin kay Evo at nagulat ako ng makita kong nakatingin siya ng mariin sakin. Iniwas ko ulit ang tingin ko.



Not, now Evo. Please.



"We all know that, but does she have the capacity to run the firm? She doesn't know anything about the company. She just took one semester in Architecture and that is not enough. For me, it's still Greg. And we need Greg especially we're on the process of expanding the business." Walang prenong pahayag naman ni Mrs. Angeles.



Hindi na ako nagtaka sa pahayag sakin ni Mrs. Angeles dahil noon pa man ramdam ko na ang hindi niya pagkagusto sa 'kin simula nang tanggihan ko noon ang bunso niyang anak para ipakasal sakin. Gusto ko sana siyang sabihan na wag personalin pero alam kong itatanggi niya 'yon. Sino na naman kasing aamin?



Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang naglalarong ngiti ni Greg dahil sa sinabi ng matanda.



"I agree with Mrs. Angeles. How can she handle the company if this is not her priority? She's still finishing her residency that we all know na hindi naman makakatulong dito sa kumpanya. The company will just suffer." Second the motion ni Mr. Salcedo.

Just This Once [KYRU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon