Chapter 6:knowing what to do

219 6 0
                                    

My Amnesia Wife - Chapter 6- "KNOWING WHAT TO DO"

Chapter Six: ''Knowing What To Do''

Hana's P.O.V:

Napailing ako. ''Pero paano ako napunta sa Cebu?''

''Doon ka dinala ni Jerome. Hindi ko alam na may utak pala ang gagong yun. Pinalabas niyang patay na kayo.'' May galit sa timbre ng boses ng lalaki.

''Ibig sabihin buhay pa siya?''

He shrugged. "I dont know. Basta ang nasisiguro ko lang hindi siya ang lalaking natagpuan sa sumabog na speedboat. It was a set-up. Masyadong magaling ang mga inutusan ni Jerome kaya nahihirapan ang mga inutusan kong mga tauhan para mag-imbestiga.''

Lumapit siya sakin at hinuli ang mga kamay ko. ''The important thing is nandito ka but do you trust me?.'' Malamlam ang kanyang mga mata para bang nakikiusap sakin na paniwalaan ko siya. Nagbaba ako ng tingin. ''You trust me?''

''H-Hindi ko alam.'' Napailing ako. N nalilito pa ako .Marami pang katanungan ang naglalaro sa isipan ko. Tumatanggi ang isipan ko na niloko ako ni Dave pero may bahagi sa puso ko ang nagsasabing maniwala sa lalaki.

''Listen to your heart, Hana. Hanapin mo ako sa puso mo. Alalahanin mo ang mga mahahalagang alaala natin.'' Nag-angat ulit ako ng paningin rito. Nagtagpo an gaming mga mata.

''W-Wala akong maalala. I-Im sorry.'' Garalgal ang boses ko. Binawi ko ang aking mga kamay mula rito at mabilis na umalis roon.

''M-Mommy, w-where are you going?'' Natigilan ako sa munting boses na yun. Si Danzel!

Pinunasan ko ang mga luha ko. ''I-Im sorry.'' I said bago lumabas ng malaking bahay. Narinig ko ang umiyak na tawag nito sakin ngunit nagbingi-bingihan ako. Basa na ng luha ang pisngi ko nang makalabas ng malaking gate.

Dinala ako ng mga paa ko sa park. Hindi ko alam kung paanong napunta ako roon basta ang alam ko umiiyak pa rin ako

'Kung nandito lang si Dave. Masasagot niya lahat ng mga katanungan ko. Pero di nga bat nagsinungaling siya sakin na ulila na ako? Na wala na akong pamilya.'

Umiling ako sa isiping yun. Hindi. Hindi ko dapat pag isipan ng masama si Dave.

Ngunit mula sa kung saan, nakuha ang atensyon ko ng nag-aaway na magsyota.

''But what if hindi magwork? What if----'' Pahayag ng babae ngunit pinutol ng lalaki ang anumang sasabihin nito.

''What if magwork. What if tama. C'mon babe. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan.''

Animoy may kasagutan na tumatak sa isipan ko. Napalapit ako sa magsyota at nagpasalamat bago humakbang paalis roon.

Tama. Hindi ko malalaman ang totoo kung di ako mismo ang maghahanap ng kasagutan. Hindi ko malalaman ang mga sagot sa mga katanungan ko kung di ko susubukan. Hindi ko maalala kung di ko sila babalikan.

my wife has an amnesiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora